TV

Samahan ang cool barkada ng 'Reply 1997,' sa GMA News TV!

 

 

Naaalala pa ba ninyo ang buhay ninyo noong '90s? 

Kung nami-miss niyo na ang '90s vibe, huwag kayong mag-alala dahil dadalhin kayo sa past ng GMA Koreanovela na Reply 1997!

Noong '90s, mayroong barkadahang nabuo habang sila ay nag-aaral ng high school. Ito ay sina Sandy (Jung Eun Ji), na dati ay baliw na baliw sa South Korean boy band na H.O.T., at ang mga kaibigan niyang sina Gio (Seo In Guk), Henry (Hoya), Jasmine (Shin So Yul), Adrian (Eun Ji Won), at Joey (Lee Si Eon).

Si Gio ang tinaguriang boy next door ng grupo at laging nangunguna sa klase. Magkasabay silang lumaki ni Sandy kung kaya't para na silang magkapatid. Hindi niya mapipigilang ma-in love sa kababata. 

Samantala, hindi niya alam na mayroon ding palihim na nagmamahal sa kanya, ang kanyang best friend na si Henry. Palaging pangalawa sa klase si Henry kasunod ni Gio. Itinatago niya mula sa mga kaibigan, maliban kay Sandy, ang kaniyang pagiging gay. At dahil sa pagiging malapit ng dalawa, pagseselosan sila ni Gio.

Ang best friend forever naman ni Sandy na si Jasmine ang kasama niyang nahuhumaling sa sikat na boy band na H.O.T. Pagkatapos niyang mabigo kay Gio, mahuhulog ang loob ni Jasmine sa pinakabagong miyembro ng barkada, ang transferee student na si Adrian. 

Samantala, si Joey naman ang magsisilbing comic relief ng grupo dahil sa kanyang kadaldalan at kakulitan.

Bukod sa kanila, nariyan din si TJ (Song Jong Ho), ang teacher ng grupo, na kapatid din ni Gio. Mabibihag din ni Sandy ang kanyang puso tulad ng kanyang kapatid.

Fast forward sa kasalukuyan, nagkaroon ng isang reunion ang magbabarkada kasama ang kanilang mga kaklase noong high school. Iaanunsyo ng grupo na mayroon sa kanilang ikakasal at mayroon ding magkakaroon na ng baby.

Sino sa magbabarkada ang nagkatuluyan at nagdadalang-tao? Alamin ang sagot sa tanong na 'yan sa Reply 1997 na dadalhin kayo sa past (1997) at present story ng grupo. Samahan ang bago mong barkada sa kanilang memorable firsts in life, simula May 15, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 pm sa GMA News TV!

Tags:
reply 1997