TV

WATCH: Kanino nagmana si Baby Primo, kay Drew Arellano ba o kay Iya Villania?

By BEA RODRIGUEZ


Puno ng wacky family photos at adorable pictures ni Baby Antonio Primo ang Instagram feed ng Kapuso TV host-actor na si Drew Arellano.

Kung isa kayo sa nanggigigil kay Baby Primo, alam ninyo kung gaano ka cute ang eight-month-old baby boy ng celebrity couple. Hindi lang ang atensiyon ninyo ang nakuha niya kundi pati ang 100 percent attention ng kanyang mga magulang.

Priceless moment para sa first-time daddy ang magpatulog ng kanyang baby, “Magse-selfie ako [kasi] iba talaga kapag when you’re carrying a baby, [and] nag-rest na ‘yung ulo [niya] dito sa shoulder ko.”


Si Mommy Iya Villania daw ang katuwang ni Baby Primo sa pagtulog kaya ramdam ng Biyahe Ni Drew host kung gaano ka espesyal ang sandaling iyon, “That specific time, parang  ‘I got you. I love you’ sabay uutot siya which is fine. Nagmana naman siya sa akin so it’s okay.”

Kilalala naman sa pagiging hardcore sa gym ang celebrity mom kaya napapanatili niya pa rin ang kanyang sexy at fit body pagkatapos manganak. Dito raw nagmana ang kanyang baby boy dahil sa “abs” nito.


???????Bahagi ni Drew sa Unang Hirit, “Look at that, nagmana siya sa kanyang nanay! ‘Di siya ganun katigas 'no [at] hindi siya ganun ka-even. Iyan talaga ang pandesal na medyo malambot. Dough pa lang!”

Isa si Baby Primo sa pinakasikat at most followed celebrity baby online. Tinagurian na rin siyang future heartthrob paglaki niya dahil sa kanyang good looks na nakuha niya sa kanyang mommy at daddy.

MORE ON BABY ANTONIO PRIMO ARELLANO:

WATCH: Baby Primo Arellano stars feeding at 7 months 

LOOK: Is Baby Primo Arellano preparing for his first plane ride? 

WATCH: Baby Primo Arellano’s first giggle and first words 

Photos by: @drewarellano(IG) and @iyavillania(IG)