TV

Eugene Domingo, excited na sa pagbabalik ng 'Celebrity Bluff'

By FELIX ILAYA

Due to popular demand, fact na fact na talaga ang pagbabalik ng paborito niyong game show na Celebrity Bluff. Sa exclusive interview nga ng GMANetwork.com kay Eugene Domingo, hindi maitago ng Kapuso actress and comedienne ang kaniyang pananabik!

 

PHOTO BY MICHAEL PAUNLAGUI, GMANetwork.com

 

IN PHOTOS: 'Celebrity Bluff' press conference 

Aniya "Ni-request siya ng maraming viewers at saka maganda siya kasi original Pinoy game show. This time, kasama namin si Edu Manzano na nirerespeto ko bilang isang master pagdating sa game show."

Makakasama si Edu Manzano bilang isang special bluffer ngunit bukod kay Edu, muling mapapanood si Boobay at ang kaniyang antics sa Celebrity Bluff.

"Sasaktan si Boobay, hindi talaga tayo titigil hangga't hindi natutuluyan 'eh. Joke lang! But ako talaga, bukod sa pinagpapasalamat ko na bumalik ang Celebrity Bluff, pinagpapasalamat ko na bumalik ang Celebrity Bluff at nandoon pa rin si Boobay," wika ni Eugene.

Ano naman kaya ang dapat abangan ng mga manonood sa return ng all-original Pinoy game show?

"Ang ini-improve namin ngayon is to make it more exciting when it comes to 'Is it a fact or a bluff?' We want it to be more like 'yung game show na hindi lang nakakatuwa kung hindi nakaka-excite at nakaka-suspense."

Pinangako naman ni Eugene na ang mga aspeto na nagustuhan ng lahat noon ay hindi naman babaguhin, "'Yung nagustuhan nilang charm ng Celebrity Bluff, ganoon pa rin. We have funny skits, it's still very informative, Boobay of course is still there. Mas marami kaming dinagdag na suspense factor so bigyan niyo po kami muli ng pagkakataon ulit na mapaligaya at ma-inform kayo every Saturday night."

Kaya mga Kapuso, abangan ang pagbabalik ng Celebrity Bluff!