TV

Get Get Aww: Reunion ng Sexbomb girls sa 'Eat Bulaga,' ikinatuwa ng netizens

 

Kahapon (July 8) sa 'Eat Bulaga,' napanood muli ang kinagiliwang all-female dance group na Sexbomb Girls. Naglaro sa 'Jackpot and Poy' sina Jopay Paguia-Zamora, Che-che Tolentino, Sugar Mercado at Rochelle Pangilinan. Naroon din to support their fellow Sexbomb dancers sina Johlan Veluz, Louise Bolton, Weng Ibarra at Mia Pangyarihan.

 

Get,Get, Aww!

Posted by Weng Ibarra on Saturday, July 8, 2017

 

Bumaha naman sa social media ang  positive reactions ng makita ang kanilang reunion sa 'Eat Bulaga.' Ang iba nag-request pa ng reunion concert at bagong season ng 'Daisy Siete.'