Sa wakas, nakarating na din si Gwang Hyun sa kabisera. Narito ang mga kaganapang naghatid sa kanya patungo dito.
Isang mabuti at matulunging doktor si Kang Do Joon.
Ngunit hindi inaasahang pagtaksilan siya ng isa sa itinuturing niyang mabuting kaibigan.
Mahahatulan siya ng kamatayan.
Kukupkupin naman ng dati niyang natulungan ang kanyang maiiwang anak.
Lalaki ang batang ito bilang si Baek Gwang Hyun na nakatira sa isang maliit na isla.
Hihikayatin ng kanyang amain si Gwang Hyun para mag-aral ng medisina—alinsunod sa yapak ng kanyang tunay na ama.
Ngunit mas interesado si Gwang Hyun na makarating sa kabisera kaya lihim itong sasama sa kanyang guro paalis ng isla.
Natupad na din ang pangarap niyang makarating sa kabisera ng bansa!
Makikilala niya dito ang isang kaibigan. Ano ang naghihintay kay Gwang Hyun sa kabisera? Abangan sa pagpapatuloy ng The King's Doctor, Lunes hanggang Biyernes, bago ang The Ryzza Mae Show.