TV

WATCH: Tetay, gusto ng netizens na maging regular sa 'The Boobay and Tekla Show'

By Cherry Sun

Hiling ng netizens na gawing regular sa The Boobay and Tekla Show si Divine Tetay kasunod ng kanyang nakakalaglag-pangang pagpapatawa bilang si Kris Aquino sa August 16 episode ng naturang Kapuso digital comedy show.

No holds barred ang naging pagsagot ni Tetay sa mga kontrobersyal na katangunan ng ating fun-tastic duo. Kumusta siya bilang isang ina? Kanino nga ba nagmana si Bimby? Ano ang kanyang most memorable scene sa kanyang horror films? Nagpasikat din si Tetay ng kanyang dramatic acting sa pag-deliver ng mga linya mula sa classic Pinoy movies.

Dahil sa super riot na chemistry ng tatlo, hindi naiwasan ng netizens na hilinging muling makita sa programa si Tetay.

Huwag palagpasin ang episode na ito:

At para walang katapusan ang laugh trip, tutok lang sa GMANetwork.com/TBATS, GMA Network YouTube channel, at GMA Network Facebook page tuwing Martes at Huwebes ng 5 P.M!