TV

WATCH: That's My Baes, nahirapan magtrabaho bilang propsmen

By Cherry Sun

Hindi raw biro ang ang trabaho ng mga propsmen ayon kina Tommy Peñaflor, Miggy Tolentino, Kenneth Earl Medrano, at Joel Palencia nang harapin nila ang hamon na maging propsmen para sa 40th anniversary celebration ng Eat Bulaga!

Matitipuno man pero talagang na-challenge pa rin ang apat na That's My Baes nang magtrabaho sila bilang propsmen sa longest-running noontime variety show.

Sila kasi ang nag-ayos at nagligpit ng sets para sa 'Lucky Juan,' 'Boss Madam,' at 'Guhit Bulaga.'

Sumali rin sila sa fire drill ng mga audience sa simula ng programa, at pagkatapos ng Eat Bulaga! ay gumawa naman sila ng special set para sa kanilang Saturday show.

Dahil sa kanilang karanasan, lalo nilang nirespeto at na-appreciate ang trabaho ng lahat ng bumubuo ng programa.

Panoorin ang kanilang eye-opening experience dito: