TV

WATCH: Boobay at Tekla, sinubukan ang 'Not My Arms' challenge

By Cherry Sun

Laugh trip na naman ang hinatid ng fun-tastic duo nina Boobay at Tekla nang subukan nila ang 'Not My Arms' challenge para sa August 21 episode ng The Boobay and Tekla Show.

Ang hamon: kailangan gawin ng player 1 ang task gamit ang mga kamay ng player 2.

Makagawa kaya ng sandwich si Boobay gamit ang mga kamay ni Tekla? Gumanda naman kaya si Tekla sa kanyang make-up tutorial gamit ang mga kamay ni Boobay?

Panoorin:


Dahil sa kalokohan ng dalawa, hindi lang nag-enjoy ang netizens, nakakuha pa sila ng idea para sa parties nila!

Bisitahin ang GMANetwork.com/TBATS, GMA Network YouTube channel (https://www.youtube.com/user/GMANETWORK), at GMA Network Facebook page (www.facebook.com/GMANetwork) para sa previous at fresh episodes ng Kapuso digital comedy show.