TV

WATCH: Boobay at Tekla, pumuntang Belgium para kumain sa karinderya?

By Cherry Sun

Sa August 23 episode ng The Boobay and Tekla Show, sa isang karinderya sa ilalim ng isang train station nangyari ang daring interview ng fun-tastic duo. Pero totoo nga bang bumyahe pa sina Boobay at Tekla sa Belgium para rito?

Nakachikahan nina Boobay at Tekla si Ida, isang karinderia owner, upang kumustahin ang underpass food business nito. Nakakulitan din ng ating laugh-out-loud tandem ang lesbian couple na sina Cheche at Margie. Sumabak din sila sa isang street food eating contest kasama ang mga staff ng karinderya.

Simula palang ng episode, tawang-tawa na ang fans dahil sa pagpapanggap nina Boobay at Tekla na nasa ibang bansa sila kahit Pinoy na Pinoy naman ang kanilang ipinapakita.

Panoorin:


Non-stop ang good vibes tuwing Martes at Huwebes ng 5 P.M sa GMANetwork.com/TBATS, GMA Network YouTube channel, at GMA Network Facebook page!