TV

WATCH: Boobay at Tekla, sa London naman nagkalat ng kapilyuhan?

By Cherry Sun

Sa London daw kinunan ang August 30 episode ng The Boobay and Tekla Show kung saan nakipagkulitan ang fun-tastic duo sa mga tao sa kalsada.

Nasa labas muli ng studio sina Boobay at Tekla upang magkalat ng kapilyuhan at kalokohan. Walang nakaligtas sa daring questions nila mapa-tindera man, mamimili o tambay sa daan.

Pinapili nina Boobay at Tekla ang kanilang mga nakasalamuha sa pagitan ng dyowang walang dila o dyowang walang ngipin, pagkakaroon ng boses ni Mahal o mukha ni Mahal, at tatlong hibla ng buhok na magkakatabi o hiwa-hiwalay?

Panoorin ang street edition ng kanilang daring questions dito:


Laugh trip ulit ang mga netizens sa kanilang napanood dahil sa pagkukunwari ng dalawang komedyanteng nasa London sila.


Non-stop ang good vibes tuwing Martes at Huwebes ng 5 P.M sa GMANetwork.com/TBATS, GMA Network YouTube channel (https://www.youtube.com/user/GMANETWORK), at GMA Network Facebook page (www.facebook.com/GMANetwork)!