TV

TBATS: Boobay at Tekla, pinagtripan ang Kapuso stars

By Cherry Sun

Pinagtripan nina Boobay at Tekla ang kanilang close friends na Kapuso stars sa "Prank You" episode ng The Boobay and Tekla Show nitong Huwebes, October 11.

Sa pamamagitan ng pagpa-prank call, walang kamalay-malay na nabiktima ni Boobay si Juancho Trivino at ni Tekla si Boobsie.

Ano kaya ang naging reaksiyon ni Juancho nang malaman niyang nakatanggap ng death threat si Boobay? Ano rin ang nasabi at nagawa ni Boobsie nang mabalitaan niyang hinuli ng mga pulis at nakakulong si Tekla?

Panoorin:

Marami ring netizens ang natuwa sa panlolokong ginawa ng ating fun-tastic duo:

Dito, sigurado ang good vibes! Kaya naman, ugaliing tumutok sa The Boobay and Tekla Show sa GMANetwork.com/TBATS, GMA Network YouTube channel, at GMA Network Facebook page tuwing Martes at Huwebes ng 5 P.M.