TV

Ryzza Mae Dizon becomes emotional as she leaves Broadway Centrum

By Bianca Geli

Naging madamdamin si Ryzza Mae Dizon nang maalala ang mga mahalagang nangyari sa buhay niya na karamihan ay nangyari sa Broadway Centrum.

Ryzza Mae Dizon

Aniya, “Sa Broadway Centrum po lahat natupad ang Pangarap ko. Nagsimula po sa Little Ms. Philippines, duon po lahat nagsimula ang Pangarap ko na makita sa TV at maging Artista.”

“Hanggang nagkaroon po ako ng THE RYZZA MAE SHOW doon po marami akong natutunan at nakikita araw araw na mga nakikita ko lang po dati sa TV tapos na-iinterview ko na. Pagkatapos po nagkaroon ako ng bago naman na Character na si Aling Maliit, Ms. Diiiiizon at si BOSS MADAAAAM.”

“Kaya maraming maraming salamat po sa 6 years Broadway centrum at Eat bulaga sa mga unforgettable moments po sa Broadway. Thank you po sa 6 years na naging 2nd home ko ang Broadway. I LOVE YOU BROADWAY. See you APT STUDIO!”

Kamakailan ay nag-anunsyo ang Eat Bulaga! ng kanilang paglipat sa APT Studios matapos ang mahigit dalawang dekada sa Broadway Centrum.

IN PHOTOS: 'Eat Bulaga's new home