advertisement
TV

#ProudDabarkads: Celebs na dating 'Eat Bulaga' hosts

1 of 22

Isabelle Daza

Hosting talaga ang hilig ng anak ni 1969 Miss Universe Gloria Diaz na si Isabelle Daza kaya napabilang siya sa show noong 2012. Matapos ang dalawang taon, kusang umalis sa programa ang dalaga upang sumabak sa acting.

1 of 22

Derek Ramsey

Isa sa mga pinaka-sexy na male host ang half British, half Filipino model na si Derek Ramsey. Mula nang maging host siya ng ‘Eat Bulaga,’ tumatak siya sa isipan ng mga viewers at naging host ng iba’t ibang adrenaline-filled programs kagaya ng ‘U Can Dance’ at ang Pinoy franchise na ‘The Amazing Race Philippines’.

1 of 22

Daiana Menezes

Ang international model na si Daiana Menezes lang siguro ang nag-iisang Brazilian beauty na naging host ng ‘Eat Bulaga’ sa loob ng limang taon. Napagkalooban siya ng prestihiyosong award na ‘Global Achiever Awardee as Outstanding Ramp Model and Commercial Endorser’ ng Asia Pacific Awards Council noong 2012, 2014 and 2015. Pinangunahan niya rin ang kanyang adbokasiya sa pagbuo ng pondo upang mailigtas ang mga tabing-dagat sa Pilipinas.

advertisement
1 of 22

Carmina Villarroel

Tumagal ang hosting career ni actress at former model na si Carmina Villarroel sa longest running noontime variety show habang nasa 'That's Entertainment'. Naging busy ang schedule ng aktres nang magsimulang dumami ang mga roles niya para sa mga soap operas at mga pelikula.

1 of 22

Coney Reyes

Maayos ang pagpasok ng award-winning actress, TV host at producer na si Coney Reyes sa mundo ng showbiz. Tumatak ang kanyang pangalan sa viewers nang maging isa siya sa mga host ng ‘Eat Bulaga’ sa loob ng apat na taon simula 1982. Nasundan ito ng kanyang sariling TV show, ang weekly drama anthology na nagbukas sa kanyang karera sa acting. Nakasama niya rito sina Dolphy, Fernando Poe Jr., Vilma Santos, Maricel Soriano, Vic Sotto at iba pang beteranong artista sa industriya.

1 of 22

Manilyn Reynes

Sa ‘That’s Entertainment’ unang natutunan ng ‘Pepito Manaloto’ star Manilyn Reynes ang pag-host ng programa kaya nagtagal siya sa ‘Eat Bulaga’ ng tatlong taon simula 1995. Pagkatapos ng kanyang exposure sa hosting ay nag-focus na lamang siya sa kanyang acting career sa iba’t ibang soap operas.

advertisement
1 of 22

Iza Calzado

Ang isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz ay ang dating ‘Encantadia’ star na si Iza Calzado. Marami na siyang napatunayan sa industriya, lalong-lalo na sa larangang ng hosting at acting. Sandaling naging Dabarkads si Iza noong 2011 habang ipinagsasabay ang ‘Party Pilpinas’ at ‘Showbiz Exclusives.’ Hindi nagtagal, lumipat siya sa Kapamilya network upang mag-host pa ng ibang programa.

1 of 22

Ruffa Gutierrez

Isang beauty queen-turned-host si 1993 Miss World Second Runner-up Ruffa Gutierrez. Naging tulay sa maraming oportunidad sa showbiz career ni Ruffa ang mapabilang siya sa TV show. Ito ang nagbukas ng kanyang acting career sa pamamagitan ng primetime TV drama na ‘Habang Kapiling Ka.’

1 of 22

Kris Aquino

Kabila’t kanan ang mga talk shows ng The Queen of All Media na si Kris Aquino pero alam niyo bang ‘Eat Bulaga’ baby rin siya noong 1988? Halos magkasunod sila ni Charo Santos na minsang naging host ng noontime show. Noong 1990, nag-focus siya sa kanyang movie career at agad binansagang ‘Box-office Queen’ sa kanyang unang pelikula.

advertisement
1 of 22

Ciara Sotto

Mag-iisang dekada nang Dabarkads ang ‘Princess in the Palace’ star na si Ciara Sotto bago ito napasabak sa mga soap opera ng Kapamilya at Kapatid networks. Kamakailan ay naging matunog ang balita na naghiwalay na sila ng kanyang asawa na si T.A.P.E executive Jojo Oconer.

READ: Ciara Sotto, walang puwang ang kalungkutan sa buhay ngayon 

1 of 22

Charo Santos

Alam niyo ba na naging parte rin ng 'Eat Bulaga' si Charo Santos? Bago pa man siya naging host ng kanyang drama anthology series na nagsimula noong 1991, regular siyang napapanood sa show mula 1986 hanggang 1987. Nag-retire bilang ABS-CBN President and CEO si Charo Santos taong 2016 pero nanatili siya bilang Chief Content Officer ng nasabing TV network.

1 of 22

Janno Gibbs

Mahigit anim na taon naging regular host ng show ang The Philippine King of Soul na si Janno Gibbs simula 2001. Ipinagpatuloy niya ang kanyang hosting career bilang ‘Chairman of the Blackboard’ sa Pinoy franchise ng ‘Are You Smarter Than a 5th Grader?’.

advertisement
1 of 22

Francis Magalona

Isa sa mga pinakamatagal na host ng ‘Eat Bulaga’ ay ang The Filipino King of Rap na si Francis Magalona. Sa kasamaang palad, namatay ito noong 2009 sa sakit na Leukemia. Sa kabila nito, ipinagdiriwang pa rin ng Dabarkads ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng show specials.

READ: Francis M. Pa-more! Eat Bulaga, may birthday tribute para sa yumaong Master Rapper 

1 of 22

Sharon Cuneta

Sa dinami-dami ng naging TV shows ni Megastar Sharon Cuneta, hindi malilimutan ng mga tao na naging parte siya ng longest running noontime variety show noong 1983 hanggang 1984. Kahit isang taon lang siyang namalagi sa programa, nasundan naman ito kaagad ng self-titled Sunday night musical variety show na ‘The Sharon Cuneta Show’ kasama ang ‘Eat Bulaga’ co-host na si Joey de Leon.

1 of 22

Aiza Seguerra

Sa ‘Eat Bulaga’ nagsimula at lumaki ang dating ‘Little Miss Philippines’ contestant na si Aiza Seguerra. Sampung taon niyang hinasa ang kanyang talento sa hosting at acting na nagbukas sa kanya ng maraming oportunidad sa pelikula at iba pang TV shows. Mas lalong nakilala si Aiza nang madiskubre niya ang kanyang hilig at talento sa musika na siya niyang pinagtutuonan ng oras at atensyon sa ngayon.

advertisement
1 of 22

Toni Gonzaga

Pagkatapos ng kanyang breakthrough sa showbiz sa pamamagitan ng isang commercial, naging main host kaagad ang Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga ng ‘Eat Bulaga’ kung saan na-praktis niya ang kanyang talento sa hosting. Makalipas ang tatlong taon, nagpaalam si Toni sa program ngunit nagtuloy pa rin ito sa pagiging host ng isang reality-based TV show sa ibang istasyon.

READ: Toni Gonzaga happy to be reunited with her fellow Dabarkads

 

1 of 22

Julia Clarete

Isang dekada nang Dabarkads ang singer-host na si Julia Clarete kaya nagulat ang lahat sa kanyang biglaang pag-alis sa number one noon-time show ng bansa. Prayoridad na raw niyang makasama ang pamilya at kasalukuyang naninirahan sa Malaysia.

READ: Julia Clarete, sinagot na ang tanong kung bakit siya umalis ng 'Eat Bulaga'

3 of 22

Lani Mercado

Taong 1989-1990 nang maging Eat Bulaga host si Lani. Tinatawag daw siya na 'Mutya ng Cavite' dahil araw-araw siya bumabiyahe para makasama ang mga Dabarkads. Siya ngayon ang Congresswoman ng second district ng Cavite.

advertisement
4 of 22

Solenn Heussaff and Nico Bolzico

Three months noong 2012 naging host ang Kapuso personality na si Solenn. Ngayon ay isa na siyang maybahay at bahagi ng iba't-ibang GMA shows tulad ng 'Taste Buddies.'

5 of 22

Joyce Pring

DJ Joyce Pring headlined 'Eat Bulaga's' Trip na Trip segment. This year, the radio jock was officially welcomed in the network as the "Kapuso dream girl."

6 of 22

Sam YG

The funny boomBAE hosted 'Eat Bulaga's' That's My Bae with Pambansang Bae Alden Richards. Sam is seen at events as a host and is a radio DJ and part of Boys Night Out.

advertisement
7 of 22

Patricia Tumulak

Patricia Tumulak who earned the monicker “HBD Girl” happily announced last March 22 that she is now part of GMA Artist Center. After leaving 'Eat Bulaga,' Patricia has been active with her “Push To Read” projects involving kids.