Dahil tungkol sa soulmates at reincarnation ang bagong primetime series na "Once Again," nagbahagi ang cast nito tungkol sa kanilang pananaw tungkol sa tadhana.
Bibida si Janine Gutierrez sa Once Again na isang heavy drama tungkol sa reincarnation. Ayon kay Janine, naniniwala raw siya sa soulmate at tadhana.
Ani Janine, "May subconscious feelings na 'pag alam mo 'yun na 'yung taong para sa 'yo, sigurado ka talaga."
Dalawa ang role na gagampanan ni Janine sa bagong teleserye.
Pangalawang pagkakataon na nina Aljur Abrenica at Janine Gutierrez na magsama sa isang show.
Ang AlNine ang bagong tambalang magpapakilig sa GMA Telebabad.
Magkakatagpo kaya ang dalawa sa kanilang muling pagkakatawang tao?
Para naman kay Aljur, bilang isang romantiko, naniniwala din siya sa destiny.
“Hindi ako mabigay sa gamit, mabigay ako sa oras. Love for me is time,” sabi ni Aljur.
Sina Jeric Gonzales at Thea Tolentino ay magkakatrabaho muli hindi bilang magka-love team, kundi bilang karibal nina Aljur at Janine.
Si Jeric Gonzales ang ka-love triangle nina Aljur at Janine.
Naniniwala din si Thea Tolentino sa destiny dahil positive daw siya parati 'pag dating sa pag-ibig at nakaka-excite daw ito isipin.