Showbiz News

Yasmien Kurdi - ang sunod na Maricel nga ba?

Ang Drama Princess ng GMA na si Yasmien Kurdi ay makikita na naman sa Dramarama block ng GMA. Reprising the role of Ms. Maricel Soriano, ang Diamond Star, sa critically acclaimed movie in the 80s, ang 'Saan Darating ang Umaga,' it seems na si Yasmien na nga ang susunod na Maricel Soriano ng Philippine show business. Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Mitch S. Mauricio Matatandaan na nanalo ng Best Supporting Actress award from FAMAS si Maricel Soriano para sa kanyang portrayal sa pelikulang Saan Darating ang Umaga. Now that GMA is remaking the movie for television, pawang mga batikan at premyadong artista ng Kapuso network ang binigyan ng pagakakataon na isabuhay muli ang mga markadong characters ng istorya. Isa si Yasmien Kurdi na binigyan ng pagkakataon ng GMA na ipamalas muli ang kanyang kakayahan pagdating sa larangan ng drama. Reprising the role of no less than the Diamond Star, Ms. Maricel Soriano, itinuring ni Yasmien ito as a big break for her career. In fact pinagaralan ni Yasmien mabuti 'yung role bago pa man sila mag umpisa mag tape para sa show. "Bago mag-start 'yung taping dinalan kami ng staff, ng buong production ng DVD, kasi ang hirap maghanap ng DVD, kahit saan ako maghanap, hindi ako nakakita, buti nga po binigyan kami," ang pagamin ng young actress. Inamin din niya na malaking pressure para sa kanya ang gawin ang role ni Ms. Maricel Soriano pero hindi naman siya natakot ng dahil dito. "'Yung gagawin ko pong role kay Tita Maria, eh Tita Maria po yun, sobrang grabe po ng mga eksena. Pressure po talaga! But I’m trying my best to do all I can. 'Yun naman po palagi. Everytime yun naman po ang ginagawa ko," dagdag ni Yasmien. And it shows naman ng ginagawa nga ni Yasmien ang kanyang makakaya dahil sa mga past few episodes ng Saan Darating ang Umaga, totoo namang lumitaw ang galing sa pagarte ng young actress. But despite the good reviews sa kanyang performances, itinanggi ni Yasmien na napantayan na niya ang Diamond Star. "Ang galing na artista ni Tita Maria, nakakuha na siya ng award. Ako, hindi pa ko nakakuha ng award ever. Para sa akin hindi pa po ako katulad niya," ang paliwanag niya. Panoorin ang notable portrayal ni Yasmien Kurdi sa Saan Darating ang Umaga, weekdays right after Una Kang Naging Akin. Get in touch with Yasmien! Text YASMIEN and send to 4627. Each Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART and TALK N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers. (This service is available only in the Philippines.)