Showbiz News

The end is near for Gagambino

Set in stone na ang mga mangyayari sa final weeks ng 'Gagambino,' pero marami pa ang mangyayari even after matapos ang show. Alamin ang lahat ng dapat malaman sa nalalapit na pagtatapos ng programang ito—siyempre, mula kay Dennis mismo! Text by Jason John S. Lim. Interview by Loretta Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio. Malapit nang matapos ang Gagambino, kaya naman marami nang ibang pagkakaabalahan si Dennis Trillo; gaya na lang ng movies na gagawin niya this year, at mayroon na ring bagong serye na naka-line up para sa kanya. "Balik ako sa Dramarama sa Hapon, ka-partner ko daw si Heart [Evangelista], eh." Exciting news for sure para sa mga fans ni Dennis. Kasi naman, he never kept secret the fact na crush rin niya si Heart. "Ang tagal na nun, eh," dagdag ni Dennis. Pero not to say naman na ayaw niya. In fact, maraming gusto si Dennis kay Heart!
"Ano siya, eh, madali siyang makisama sa—alam mo 'yun? Kung titingnan mo siya, napaka-sopistikada tsaka sosyal. Pero 'pag nakasama mo siya tsaka nakatrabaho, makikita mo na magaling rin siyang makisama sa kahit sinong tao, maliit man o malaking katungkulan sa industriya natin." And, Dennis says na tuwang-tuwa siya dahil mabait at always pleasant daw si Heart. "Laging nakangiti. Sarap kasama, ang sarap katrabaho." But does Dennis think his tandem with Heart will be as effective as that of the one he has with Katrina Halili? "Sa tingin ko naman." Dennis says he checks the iGMA Forums minsan to see what his fans are saying. "Sa thread, nakikita ko minsan." Of course, hindi pa rin masasabi if people will have the same opinion once the partnership does happen. "Sana suportahan din nila, kasi bago, eh. Alam mo 'yun? Ako siyempre gusto ko makasubok din ng ibang partner. Lalong-lalo na siya, dahil matagal ko na siyang gustong makatrabaho." Dagdag ni Dennis na even though they got to work together sa Dear Friend, medyo nabitin daw siya at the time. "Gusto ko sana mas mahaba [na time na makatrabaho siya]. So finally, heto na 'yung project na pagsasamahan namin nang mas matagal. So sana suportahan din ng mga tumatangkilik sa mga ginagawa ko," sambit ni Dennis. Wala pang ibang nalalamang detalye si Dennis tungkol sa pagtatambal na ito. Even the remake movie they will be filming, hindi pa rin daw niya alam kung alin. Pero for sure, gusto niyang ibahin ang current look niya na talaga namang kilala na dahil sa characters niya in Magdusa Ka and Gagambino: "Iba naman; wala na sigurong [stubble]—mas malinis." That is, if he has his way. Siyempre, kung ano pa rin ang gusto ng fans ang masusunod. And speaking of fans, matagal nang naghahangad ang fans ni Dennis na magkaroon ulit ng movie ang idol nila. And this year, at least tatlo ang movies na definitely gagawin ni Dennis—'wag na lang muna natin pag-usapan ang airdates sa ngayon. Pero there's one movie na siguradong hindi gagawin ni Dennis—ang rumored Andres Bonifacio movie.
"Hindi ko alam 'yung Andres," he tells us. "Meron akong gagawin 'yung si Direk Maryo J. [de los Reyes], na balak nila mga taga-[other network] 'yung kunin na babae. 'Yung isa naman, horror, kasama si Marian [Rivera]. Tapos meron pang isa, eh. Nakalimutan ko lang kung ano. Basta tatlo 'yung gagawin ko this year." In the meantime, patuloy pa rin naman ang ma-aksyong pagganap ni Dennis bilang si Gagambino, gabi-gabi hanggang January 20. "Kaya tuloy-tuloy ang taping hanggang katapusan," biro ni Dennis. At dahil nga magtatapos na, natatawang dagdag ni Dennis, "'Yung mga writers, kung anu-ano ang mga ginawa nila ngayon. Marami silang ginawa, like may mga characters na mamamatay; tapos, 'yung masasama naging mabait, 'yung mababait nagiging masama." At ang action scenes? "Okay naman." Promise nga ni Dennis (at ni Michael Roy, ang fight director ng show na nakapanayam rin namin), talagang explosive ang mga action scenes sa natitirang mga episodes ng Gagambino. Sa pagtatapos, as always, Dennis thanks the people who are most important to him and the cast and crew of Gagambino, their fans and loyal viewers: "Sa lahat ng nanunuod ng Gagambino, lagi niyong subaybayan dahil malapit nang magtapos. And siyempre, alam niyo naman 'pag katapusan na, doon niyo makikita lahat ng pinakamagagandang nangyayari sa istorya, so tutok lang kayo. And marami pa kayong aabangan sa Gagambino. Salamat sa suporta ninyong lahat." And to his loyal fans, his friends, "Sa lahat ng mga kaibigan kong tumatangkilik sa akin, abangan ninyo—dahil ngayong taon marami kayong ie-expect na mas magagandang shows, mga pelikula, mas maraming movies akong gagawin, at ayun, 'wag kayong magsasawa dahil mas maganda tong taong ito—2009." Get close to Gagambino himself this February 5. Dahil from 2 p.m. to 4 p.m., Dennis will be chatting with his online friends again—siyempre pa, through iGMA Live Chat! At 'wag kakalimutan. You can keep in touch with Dennis anytime and anywhere—as long as nasa Pilipinas ka. Through Fanatxt! Just key in DENNIS on your phones and send to 4627 for all telcos. (Each Fanatxt message costs PhP2.50 for GLOBE, SMART, and TALK 'N TEXT, and PhP2.00 for Sun subscribers. This service is exclusively for the Philippines only.)