Showbiz News

Ang huling adventure ni Gagambino

This Friday, masasaksihan na ang pagtatapos ng "Gagambino." Pero bago matapos ang maaksyon na telefantasya, balikan natin ang nakaraan through this iGMA recap. Text by Jason John S. Lim. Interviews by the iGMA Team. Photos by Mitch S. Mauricio. In June 2008, lumabas ang balita na Dennis Trillo will play the role of new-age superhero Gagambino. Prior to this announcement, si Richard Gutierrez ang napipisil ni Carlo J. Caparas, the show's creator, para gumanap bilang Bino. Hindi man niya nakuha ang original choice niya, tuwang-tuwa pa rin ang beteranong comics-creator sa pagkakapili kay Dennis para sa title role.
Back then, binitawan ni Mr. Caparas ang pahayag na ito: "Okay ‘yung siya [Dennis] ay maging Gagambino, dahil parang unprecedented eh, unexpected. Hindi iisipin na si Dennis ang gaganap…’Yun ang element ng isang bagong proyekto na parang eksperimento, experimental kung tingnan nila, pero diyan nangggagaling ang mga malalaking blockbuster TV shows, na hindi nila inaasahan [kung sino] ang gaganap dun sa role." At mukhang nag-payoff nga ang pagkakapili kay Dennis bilang Bino dahil soon after, nagsimula na rin si Dennis sa kanyang training in different stunts para sa show. Mula parkour hanggang wushu, Dennis tried to learn them all. Mas lalo pang umingay ang buzz ng show when Katrina Halili and Nadine Samonte, both favorites of Dennis Trillo's fan base, were announced to be part of the project. Fans of Dennis and Katrina were especially overjoyed lalo pa't katatapos pa lamang ng much-loved drama series na Magdusa Ka kung saan ipinakita nila na swak sila sa isa't isa! More names were attached to the project, and the show grew bigger and bigger. And once the show started, agad naman itong nag-click sa mga bagets -- all of whom will surely be saddened once mawala na sa ere ang paborito nilang show. At the same time, excited na rin silang malaman kung paano matatapos ang Gagambino.
Characters have been killed off -- Noel, Leah and Lucy have all sacrificed their lives for the greater good. Pero dahil rin sa pagkamatay nila, nawawalan na ng pag-asa ang mga natitirang heroes. A former villain, Divina, is trying to make amends para mahalin muli ng anak niya. And Bino doesn't know kung paano niya haharapin ang mga kalaban niya with only Bernadette by his side -- that is, kung gugustuhin pa niyang lumaban. Lumalakas ang forces ni Harold, pero hindi rin siya ligtas sa mga nakagigimbal na pagtatapat. Tulad na lang ng discovery na kapatid niya sa ama si Bino. But while this fuels his anger more against Bino, ano ang magiging epekto nito kay Bino mismo? At habang nagkakagulo ang mundo, tuloy pa rin ang paggulo ng isipan ni Celine. With Lucy's death in her hands, gugustuhin pa ba ni Celine na umanib kay Harold? Paano siya makababangon sa kanyang kasamaan, ngayong muhi na lang ang makukuha niyang emotion from Bino? Michael Roy, the show's fight director, promises that the end of the show will surely be explosive. Pero alin nga ba ang ibig niyang sabihin -- ang fights or ang revelations? Malalaman na natin this week, sa pagtatapos ng Gagambino.