Showbiz News

Ibang-ibang Sherilyn sa Tadyang

Kilala si Sherilyn Reyes sa mga characters na palaban at hindi takot magtawag-pansin. Kaya naman marami ang nagulat at natuwa sa kanyang portrayal bilang Galatea sa 'Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang'—lalo na ang mga kaibigan niya. Pero hindi sila natuwa sa isang bagay: na hindi masabi ni Sherilyn sa kanila kung ano ang susunod na mangyayari. Bakit? Alamin natin. Text by Jason John S. Lim. Photo by Mitch S. Mauricio. Masaya ang taping ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, and that's according to Sherilyn Reyes, who plays Tia Galatea sa show. At kahit na heavy drama ang soap nila, she says na "hindi siya mabigat" para sa kanila. Especially since, according to Sherilyn, they all enjoy each other's company sa set.
"Masarap sila kasama—lalo na si Ate Euge na walang ginawa kundi magpatawa, mag-Facebook," she says. Binanggit niya din that the show helped her gain new friends like Miss Carmi Martin. "Although lagi naman siyang nag-ge-guest [noon] sa Moms, mas [matindi] 'yung bonding namin [dito] kasi kami lagi magkasama." May trivia pa nga si Sherilyn about the staff of Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang: "'Yung staff, Marinara staff na sobrang naging close sa amin. Parang reunion namin ulit [itong show]!" Maraming the same para kay Sherilyn sa show na ito, pero may isang napakalaking difference: ang character na kanyang pino-portray! "Alam mo, surprisingly, ang daming nakakapanuod tapos parang naninibago nga sila, it’s something different," kuwento ni Sherilyn. "Kasi nga, 'di ba spinster ako dito? Total opposite sa character ko—walang kimi. So something new for the viewers, minsan-minsan lang nila ako makita [nang ganito]. "[And] kung titingnan mo, ang simple-simple ng role ko. But for me, it's a challenge because napakadaldal ko! Eh hindi naman ako allowed magsalita masyado, 'di ka pwede um-adlib, hindi ka puwede magpatawa—talagang medyo mahirap." But she willingly accepted the challenge, at ngayon nakahanap pa siya ng sponsor para sa mga damit ni Galatea! "Challenge din 'yung sa damit dahil 'pag namili ka, hindi mo naman magagamit [ulit] 'di ba?" Bukod naman sa costume, wala nang ibang kailangan problemahin si Sherilyn about her character: "Medyo matipid ako dito sa role na 'to. Pati 'yung make-up ko, very light. Nakapagpahinga 'yung mata ko sa contact lenses. Kasi most of the time, na-oopera ako sa mata dahil sa contact lenses. Siguro mga ten times na." And since she's wearing glasses for her role, no need na para mag-contacts pa siya. "Napakagaan!" And siyempre, gaya nga ng nabanggit kanina, napakagaan rin katrabaho ng mga kasama niya sa show. "Alam mo, fan ako [ni Eugene Domingo]. Nakakatawa talaga. Kim Samsoon pa lang, pinapanood ko siya," Sherilyn confesses. She adds na she even sends Eugene Domingo messages sa Facebook! "Totoo 'yon, very sweet," affirms Eugene during the interview. And she adds na the feeling is mutual, telling Sherilyn, "Alam mo kasi, masarap ka din kausap." Prompting Sherilyn to reply, "Talaga? Anong lasa?" "Parang lasang chocolate!" Eugene replies. Kung ganyan ba naman ang laging nangyayari sa set, no wonder magaan ang pakiramdam even with the tension-filled story lines ng show!
At ano pa ang gusto ni Sherilyn sa set ng Tadyang? The instant camaraderie ng cast members! "First time ko rin [si Marian Rivera] nakatrabaho. At the same time, dito ko na rin siya na-meet. Parang matagal na kaming magkakasama—walang ilang-ilang." "Walang epal!" Eugene cuts in. "Oo, wala," Sherilyn responds with a laugh. Before we left Sherilyn and Eugene alone, siyempre, we had to ask kung meron ba silang puwedeng i-reveal sa mga susunod na linggo ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Ang sagot ni Sherilyn? "Marami pang mga twist, marami pang mangyayari. Syempre kapag kinuwento ko, hindi na masu-surprise 'yung [viewers]." Although binulong sa amin ni Sherilyn ang last twist ng show: "Si Ate Euge! Mag-iiba siya dito—siya ang papakasalan ni [Homer]!" Pero in all seriousness, Sherilyn says none of the cast members have advanced knowledge sa story. "Alam mo kasi, ang script, nagbabago yan eh. Kaya minsan, pati 'yung mga artista, nasu-surprise din. It's always a surprise. "Kahit kami, clueless kami sa mangyayari." Pero wala mang alam sa mga susunod na pangyayari ang cast, maalala ng mga nakapanood ng original film na hindi naging happy ang ending ng love story ni Proserphine at Homero. So will the same fate befall their contemporary counterparts? Malapit niyo nang malaman. Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang airs every weeknight during GMA Telebabad, pagkatapos ng Totoy Bato.