Narito ang mga eksenang 'di ninyo dapat palampasin mamayang gabi sa 'Encantadia.'
Upang mahanap ang nawawalang anak, lalapit si Amihan kay Cassiopea at hihingi ng tulong.
Samantala, madadakip si Lira ng mga bandido.
Maliligtas si Lira nina Adhara at Lilasari...
At dadalhin sa kanilang kampo.
Kokomprontahin ni Agane si Pirena at kukwestyunin ang kaniyang pamumuno.
Nasa pangangalaga ni Pirena si Kahlil, ang anak nina Alena at Ybarro.
Masasagip kaya ni Ybarro ang dalawang anak na nalalagay sa panganib?