Showbiz News

Jolina, gustong magbalik sa 'Unang Hirit'

Jolina Magdangal made a decision nang tanggapin niya ang 'Adik sa 'Yo.' And knowing she won't be able to give her best doing four shows, she gave up one—'Unang Hirit.' But as soon as he prime time project ends, Jolina has one wish: that she can return to 'Unang Hirit.' Text and Photos by Jason John S. Lim. "Nag-leave ako for this one," Jolina Magdangal tells us sa set ng Adik sa 'Yo, explaining why she stopped appearing sa daily morning show ng GMA-7, ang Unang Hirit. "Kasi, hindi ko na kaya 'yung—kahit 12 kami natatapos, para sa akin mahirap." Kuwento sa amin ni Jolina, "Three a.m. ako gumigising, four a.m. 'yung call time namin—pero 'yung iba kaya nila, eh." She cites fellow Unang Hirit co-host JC Tiuseco as an example, "[Siya] nakakapag-taping siya, tapos nakaka-UH. Ako hindi ko na kaya 'yung ganoon. "Baka mag-suffer lang 'yung UH." But when Adik sa 'Yo ends, Jolina wants to be able to return to the family she made over the years sa Unang Hirit: "Sana may chance pa ako bumalik." Thirteen weeks ang naka-set for Adik sa 'Yo to air sa mga telebisyon natin, and they are already taping Week 9. Ang bilis ng mga pangyayari ano? Yet Jolina wants, if it were possible, more. "Pero, 'di ba, mahirap nang mag-hope. Pero sana." Hindi naman din maikakaila that Adik sa 'Yo has taken over Jolina's life. "Nagiging four times a week na kami, kasi nga dahil siguro patapos na," she explains. Mondays, Wednesdays, Fridays, and Saturdays are set aside para sa taping schedule ng Adik sa 'Yo, at kapag Sundays naman, Jolina has SOP and the Adik sa 'Yo mall tour that takes them around the metro. She shares, "Ang nakakatuwa doon, hindi naman yata coincidence, pero parang sa lahat na lang nang mapuntahan ko, alam nila 'yung character namin, alam nila kung ano 'yung nangyayari—so ibig sabihin, madami talagang nanonood. "And sana patuloy silang manood hanggang matapos." Torn between two lovers During the interview, Jolina updated us sa mga nangyayari na sa show: "Okay naman si Joanna," she begins. "Trying to be strong." Sino ba naman ang hindi gugustuhin maging strong? Joanna was left behind by the man that she loved, she finds out na buhay pa pala ang nanay niya—and ang tatay pa niya mismo ang nagsinungaling sa kanya! "Tina-try [na] niyang kalimutan na lang si Carlos (Marvin Agustin)," share niya sa amin. "Tapos mayroon pang James (Wendell Ramos) eh," kuwento niya. "In a way, medyo naging happy siya. Pero siyempre hindi mo rin ma-deny 'yung fact na nami-miss pa rin niya si Carlos. First love niya 'yun, eh. High school pa lang, siya na. Hindi agad-agad nakakalimutan ['yun]." But neither can Jolina deny that Joanna does feel something for James. "Mabait talaga, at saka—matipuno. Matipuno!?!" Dagdag ni Jolina, "Ewan ko nga, maryoon na ring mga nagugustuhan si James!" You never know nga naman sa mga original stories ng GMA-7 kung ano pa ang puwedeng mangyari—at kung sino pa ang puwedeng lumabas—tulad na lang ng nanay ni Joanna! "Buo na talaga siya," Jolina says of her character Joanna. Ngayong nasa buhay na ng character niya si Madame Fatima (Eugene Domingo), Jolina says mas masaya na si Joanna. "Sa feeling ng may pamilya, siyempre, masaya siya na-meet na niya 'yung nanay niya. 'Di ba akala niya patay na? Tapos, 'yun pala, mayaman! Bonggang-bongga!" Pero does Joanna already know of Madame Fatima's plan na paghigantihan ang pamilya niya? Jolina says not yet. "Sa nabasa ko ha? Hindi pa ako doon," sagot niya. "At saka hindi ko alam na naghihiganti siya, eh. Ang pagkakaalam ko lang, ginagawa lang namin kung ano ang tama, [na] magkasama kaming mag-nanay, tapos nagiging happy kami. "Hindi ko alam kung maghihiganti ba ako o hindi." Well, we heard na definitely may isa pang maghihiganti bukod kay Madame Fatima. Kung sino na lang 'yun, well, abangan.
Adik sa 'Yo airs every weeknight sa GMA Telebabad. But you can also catch Jolina sa SOP at Dear Friend tuwing Sunday ng tanghali hanggang hapon. And always be updated with what's going on with Jolina through Fanatxt! Just text JOLINA to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)