Showbiz News

Marian joins forces with Pacman

One week pa lang ipinapalabas ang prime time hit na "Darna," mayroon na namang bagong show si Marian Rivera na nakatakdang magsimula bago matapos ang buwan ng Agosto. Ito ang "Show Me Da Manny," kung saan makakasama niya ay si Manny Pacquiao! Text By Loretta G. Ramire., Photos by Mitch S. Mauricio Pinagbibidahan nina Manny Pacquiao at Marian Rivera, Show Me Da Manny marks the return of situational comedy sa Kapuso Network. Ito ay nakatakdang ipalabas sa August 23, 2009. At dahil nga sitcom ito, puro mga comedians ang supporting cast, kabilang sina John "Sweet" Lapus, Benjie Paras, Paolo Contis, Mike "Pekto" Nacua, Onyok Velasco and Lito Camo. Ano kaya ang masasabi ni Marian na tila ibang-iba ito sa mga previous projects niya sa GMA? "Syempre happy kasi...first sitcom ko ito at saka given na sa totoong buhay talaga eh komedyante talaga ako! So eto, talagang walang effort--kung baga go with the flow lang talaga ako, kung ano ang mangyari eh okay yan!" ang nakangiting sabi sa amin ng Primetime Queen ng GMA. "Lalabas 'yung kakulitan ko. I'm sure na kaya din ibinigay ito sa akin [ay] para at least hindi lang [ako] sa drama…sa Darna. At least may balance siya," ang dagdag pa ni Marian. At dahil sa first time niya to work with the international boxing champ, ready na ba siyang makipagsabayan sa comedy kay Manny? "Excited ako na makakasama ko siya. Ang alam ko pa, pinili pa ata ako ni Ms. Jinky [Pacquiao] para makasama ni Pacquiao so thankful ako!" Tiyak na maraming mag-aabang sa bonggang-bonggang pagbabalik ng sitcom sa GMA, kaya naman, todo ang pag-promote ni Marian para sa Show Me Da Manny! "Syempre hintayin nila ito at tinitiyak ko na makikita nila ang totoong Marian dito at matutuwa talaga sila." Pag-usapan ang tambalang Manny at Marian. Mag-log on na sa mas pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here! Pwede ka ring makakuha ng updates about Marian’s new sitcom thru her Fanatxt service. Text MARIAN and send to 4627. (Each Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART and TALK N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers). (This service is available only in the Philippines.)