Showbiz News

Jolina is back!

After months of absence, nakita nang muli si Jolina Magdangal kahapon ng umaga sa 'Unang Hirit.' Bumalik na nga ba siya sa morning show ng GMA-7? Text and Photos by Jason John S. Lim. "Ang nasabi pa lang sa akin, today and tomorrow," Jolina Magdangal tells us after wrapping up Unang Hirit kahapon, October 1. "So hindi ko alam kung anong plan next week," the host admits. Kuwento niya, may mga plano raw kasi ang show na pinag-uusapan pa. In a previous interview, Jolina has mentioned kung bakit siya nawala sa Unang Hirit, and it was because of her busy taping schedule for her other shows. Pero, Jolina reveals, "after Adik sa 'Yo, may mga tinaggap din akong mga shows e, mga provincial [shows], corporate shows, abroad--so yun muna 'yung tinapos ko." "Nagka-time din ako makapagpahinga," she shares with us although, she adds na wala pa rin naman daw siyang bakasyon talaga. “Tinapos ko lang 'yung iba kong commitments." After co-hosting Unang Hirit again, halata na masayang-masaya si Jolina. "Ang pinakamasarap na feeling ko kanina, lahat ng makita ko, talagang lahat umaakap. Na parang, 'welcome back.’" Ika nga ni Jolina, feeling raw niya back na back na talaga siya. "Pero wala pa talagang [official word]. Talagang from the staff, to the co-hosts, lahat—pati mga make-up artist--na-miss ko sila, na miss ko sila talaga." For now, Jolina says she justs wants to be happy, and to savor the moment of being back in Unang Hirit, regardless of what will happen come Monday. "At least, nakita ko ulit 'yung mga kasamahan ko; tapos, ang sarap pa kasi, tungkol sa pagtulong [ang show] so happy ako ngayon." Speaking of pagtulong, ngayon man lang si Jolina lumabas sa telebisyon muli, hindi daw ibig sabihin nito ay hindi siya tumutulong sa mga nasalanta. "Mayroon kaming mga tinutulungan din," she explains. With regard to not being seen on television helping out, Jolina says, "Sa totoo lang, para sa akin, hindi naman din kailagan talaga na palaging makita sa TV, 'di ba? Basta nasa puso mo 'yung ginagawa mo." Ayon kay Jolina, "Kahit nasa bahay ka pero alam mong nakatutulong ka sa pamamagitan ng pag-text o paghingi ng tulong para doon sa mga nangangailangan, feeling ko, okay 'yung ganoon." Ika nga, every little bit of support helps regardless of how grand or how small your contribution is. At para sa mga fans ni Jolina who have been missing seeing their idol on TV, ito ang message ni Jolina for them: "Well, nami-miss ko rin silang i-entertain sa TV!" Kuwento niya, natutuwa raw siya na mas excited pa ang fans niya na magkaroon siyang muli ng project. "Ang sarap isipin na mas sila pa 'yung atat na talagang mabalik ako sa Unang Hirit." Dagdag ni Jolina, nakakarating raw sa kanya ang feedback ng ilan na hinahanap siya talaga sa show. Kuwento nga niya, "Ngayon, may mga nagte-text ng 'Nice to see you again,' mga ganoon." Of her co-hosting Unang Hirit, Jolina says: "Kung tuloy-tuloy na ba talaga ito, sana. Talagang na-miss ko rin e." Gusto mo bang lagi kang updated kung saan susunod na mapapanood si Jolina? Just text JOLINA(space)ON to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.) And you can still catch her every Sunday sa back-to-back tandem ng SOP at Dear Friend!