advertisement
TV

IN PHOTOS: Janine Gutierrez at Aljur Abrenica, nagkakadevelopan na?

1 of 19

Paasa

“Ako daw 'tong pa-fall. Ikaw nga 'tong paasa eh. Kiss na, naging suka pa!”

2 of 19

Drunk friend

Si Kiso ang nag-alaga sa lasing na si Yapi. I-uuwi na sana ng binata sa kanila ang dalaga ngunit nakita ni Aimee ang nangyari sa kanyang kaibigan.

3 of 19

Friends

“Congratulations on your very first hangover, ha!” Inusisa pa nina Aimee at Roni kung ano ang nangyari kagabi ngunit may pa-'amnesia' effect si Yapi.

advertisement
4 of 19

Team Yap

Dahil sa una nilang pagkatalo, gumawa sila ng game plan upang talbugan ang “Team Gold” at “Power Bluff Girls.”

5 of 19

Laff Trip Shirt

In-assign ni Queen ang teams na kunin ang bagong account dahil sa kanilang sikat na funny statement shirts.

6 of 19

Atraso

Ayaw ng may-ari ng Laff Trip Shirt na makisosyo sa Shoppers.com dahil sa atraso ni Queen kay Dianne.

advertisement
7 of 19

Online date

Nagpaiwan si Kiso sa opisina para makausap ang kanyang nakakabatang kapatid.

8 of 19

Kitty

Buong akala ni Yapi, may ka-long distance relationship si Kiso. Kaya pala, kapatid ni Kiso ang kanyang ka-online date.

9 of 19

Officemates

Nakausap ni Yapi si Kitty at napag-alaman kung bakit todo effort si Kiso para sa promotion.

advertisement
10 of 19

Love o career

“Kailangan kong makarating sa graduation day ng kapatid ko at ito lang ang nakikita kong tanging paraan para mangyari 'yun. So, Yapi, tatalunin namin team mo.”

11 of 19

Surprise

May hinandang pagkain at Epsom bath ang pamilya ni Yapi para sa kanya dahil puros trabaho lang raw ang inaatupad nito. Humingi pa ang kanyang pamilya ng bakasyon sa boss niya para makasama ito kaya na-bad trip ang dalaga.

12 of 19

Labor

Kinulit ni Yapi ang sekretarya ni Dianne at napag-alaman ang kasalukuyang problema na hinaharap ng Laff Trip Shirt kaya ora mismong nagboluntaryo ang dalaga para makatulong.

advertisement
13 of 19

Team

Binitbit ng dalaga sina Aimee at Roni sa site ngunit napikon siya sa laro ng dalawa. Nagalit si Aimee, “Feel na feel mo kasi makipagsabayan kay Kiso at Angel at nagsosolo ka! Hello, Yapi, teammates mo kami, hindi mo utusan!”

14 of 19

Comfort

Si Kiso ang naging sandalan ni Yapi nang mag-walk out ang kanyang office friends sa site nang dahil sa kanyang pag-uugali. Inalok siya ng binata na bumalik sa factory ng Laff Trip Shirt.

15 of 19

Squad goals

Sinurpresa ng pamilya ni Yapi, Team Yap, at Team Gold ang dalaga para matulungan siyang matapos ang ipinangako kay Dianne.

advertisement
16 of 19

Friendly reminder

Pinasalamatan ni Yapi si Kiso ngunit pinaalala sa kanya ng binata, “Masarap kang kakumpetensiya at saka kahit makuha mo 'tong account na 'to, tatalunin pa rin kita.”

17 of 19

Friends for life

Nag-sorry si Yapi sa kanyang mga kaibigan pero sagot ni Roni, “Siyempre, hindi ka pa nagso-sorry, napatawad ka na namin.”

18 of 19

Call a friend

Na-impress si Dianne sa ginawa ni Yapi, “Congratulations, Yapi! I'm looking forward working with you. It's nice to know na may mga puso pala ang mga staff ni Queen so ang swerte niya sa inyo.”

advertisement