Showbiz News

Paolo Contis denies stopping Lian Paz from returning to showbiz

Super hands-on daddy ang aktor, base na rin sa kuwento ni Paolo nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa presscon ng Pilyang Kerubin last May 31 sa Studio 5 ng GMA Network Center. Kuwento niya, "May yaya kami, pero our yaya is more on clothes. Minsan, kapag kailangang mag-alaga, nag-aalaga talaga. Pero kapag puyatan, ako talaga. Kung may nabago man, marami rin. But I guess it's more on positive. Wala namang masamang naidulot. "Siguro yung ano lang, katamaran kong magtrabaho. At saka inaano ko yung kung ano ang oras ng call time ko. Sinisigurado ko kung kukuhanan na ako kasi sayang naman at gising ang anak ko. Tapos, sila na rin ang nagsasabing, 'Sige, tatawagan ka na lang namin kapag shoot na.'" Posible bang maging strict daddy siya sa kanyang anak? "Well, tingnan natin!" natatawa niyang sabi. XONIA'S CHRISTENING. Pinagpaplanuhan na rin nina Paolo at Lian kung kailan ang magiging binyag ng kanilang baby. Balak nila na sa end of July ang binyag bago ang plano nilang mag-out of town. "Gusto sana namin end of July kasi aalis kami ng first week of August, dadalhin namin si Xonia. Bakasyon lang naman. I'm bringing Xonia and Lian in Marinduque, sa Bellaroca [resort]. Medyo matagal na kami ni Lian na hindi nagbabakasyon, at first vacation din yun ni baby. Pero gusto namin na bago kami umalis, mabinyagan muna siya," saad ni Paolo. May mga naka-lineup na rin daw silang mga ninong at ninang na kukuhanin. "Hindi pa lahat 'to, pero si Tito Joey de Leon, Kuya Bitoy [Michael V]... Si Direk Dominic Zapata, Dingdong Dantes,/a>, Raymart Santiago, Benjie Paras, at yung iba ko pang mga kaibigan na hindi showbiz. "Sa ninang naman, si Jinkee Pacquiao, si Dra. Vicki Belo, Nadia Montenegro, Marilen Nuñez. Ang mga friends ni Lian na hindi showbiz, her EB Babes friends, Ms. Lilybeth Rasonable, Ms. Winnie Reyes at mga katrabaho ko sa GMA," banggit ng aktor. NOT STOPPING LIAN. Wala rin naman daw katotohanan na pinagbabawalan na niya si Lian na magbalik sa showbiz. "Nasa kanya naman yun kung gusto niya or what. Ang tinitiyempo lang naman namin if ever she works that day, yung wala akong work para may tao kay baby. Noong magkaroon siya ng guesting, I made sure na wala siyang taping kaya sabi ko, sige, buong araw. Ulirang ama naman ako nun!" tawa ni Paolo. Wala rin naman daw compromises of dos and don'ts niya for Lian. "Wala naman. She's not getting any younger. I'm not getting any younger. It's okay for me if she doesn't work agad. If they get her, okay lang," sabi ng dating child actor. Nami-miss daw ni Lian ang pagsasayaw. Pero posible na hindi na rin ito babalik ng Eat Bulaga! at malamang ay maging solo artist na. Ilang linggo pa lang ang nakalilipas mula nang sumakabilang-buhay ang daddy ni Paolo na si Renato Contis nang ipanganak naman ni Lian si Xonia. Isang bagay ito na nagpapalungkot kay Paolo, na hindi nasilayan ng kanyang ama ang apo sa kanya. Pero ipinagmamalaki niyang iniwan daw sila ng ama na inayos naman lahat ng dapat ayusin in terms of relationship ng mga mahal niya sa buhay. "Yun lang naman, yung pinakamasama lang, hindi inabutan ng daddy ko si Xonia. Pero my dad made sure na okey lahat bago siya umalis," sabi niya. Wala na raw problema sa pagitan ni Lian at ng kanyang mommy. Hindi na rin daw natuloy ang plano nilang lumipat ng bahay kasama ang kanyang ina. Katuwiran ni Paolo, "Kami na lang ang palaging dumadalaw kay Mama. Busy rin kasi si Mama dahil, in fairness, meron din siyang ginagawa. Magiging mahirap for the baby na mag-adjust ng another tirahan tapos lilipat na naman kami sa isa pang tirahan kapag nakuha ko na ang gusto kong tirahan. I might as well...isang lipatan na lang. So, kapag weekend, nandun kami kay Mama." KAILAN ANG KASAL? Last Sunday naman sa Showbiz Central, si Paolo ang sumalang sa segment na "Behind The Wall." Isa sa naging secret informant ni Paolo ay si Lian, at ito pa mismo ang nagtanong sa kanya kung kailan niya pinaplanong magpakasal. Ano ang naging reaction niya nang malaman niyang si Lian pa ang nagtanong ng plano nilang pagpapakasal? "Hindi, okey lang. Napag-uusapan naman namin yun at alam naman niya kung ano ang mga plano. She's very open dun sa fact na inuuna namin ang work at saka si baby. Alam din niya na gusto ko si baby, flower girl. It will take another two years if ever. Pero hindi siya reason for pressure for both parties. Walang ganong pressure. "Actually, naka-depend talaga lahat kay Xonia. Kung bukas-makalawa makapaglakad siya, e, bukas magpapakasal kami!" natatawa niyang sabi. "Gusto ko talaga flower girl na si baby na naglalakad at hindi buhat-buhat. Napag-usapan na namin yun kahit noong wala pa. Kung boy, ring bearer siya. And at the same time, it will also give us some time to prepare." ANOTHER KONTRABIDA ROLE. Sa Pilyang Kerubin ay isa namang kontrabida role ang ginagampanan ni Paolo. "Oo naman. Pero konting difference at hindi ko pa rin nasu-shoot yung mga Joshua [Dionisio] scene ko. Hindi ko puwedeng bugbugin ang bata in a way na bugbog. So, it would be more on a different domestic violence," sabi ni Paolo tungkol sa kanyang character. Kinumusta rin namin kay Paolo ang director nila sa serye na si Andoy Ranay na nasangkot sa isang kontrobersiya kamakailan. "Ang pilyang director? Okay naman siya!" tawa niya. Nakikita ba niyang naapektuhan si Direk Andoy ng isyu with Jhake Vargas sa katatapos na series ng dalawa, ang First Time? "Well, of course, napakaano mo naman kung hindi ka naapektuhan. Pero hindi namin siya guguluhin about it. For sure, naapektuhan siya sa mga lumalabas sa kanya. But the thing is, he chose not to talk and not to explain. So, medyo mahirap for him. "Pero the only thing ha, Direk Andoy is a brilliant director. Okey naman siya. Siguro nga, hindi lang siya nabigyan ng chance to explain. But choice niya yun and I respect it," saad ni Paolo. -- >PEP.ph Pag-usapan si Paolo sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!