Showbiz News

Direk Gina prefers mentoring to directing

Seasoned actress and well-known director Gina Alajar talks about why she’d rather act and teach young actors what she knows than direct full-length soap operas. Text by Ayessa De La Pena. Photo by Connie M. Tungul. Isa na sa pinaka-versatile actress na nakilala sa mundo ng showbiz si Ms. Gina Alajar. Bukod sa pagiging bida at kontrabida, kilala rin siya sa pagiging magaling na direktor. However, mas napapalinya ngayon si Direk Gina sa pagtuturo sa mga baguhang artista ng kanyang mga nalalaman sa acting than directing. Isa nga sa laging hinahawakan niya ay ang mga graduates ng Starstruck, kung saan siya ang humahawak sa workshops ng mga graduates ng show. Natutuwa rin si Direk Gina at malaki naman daw talaga ang potensyal ng recent Starstruck grads na cast na ngayon ng LoveBug: Exchange of Hearts na sina Sarah Lahbati, Steven Silva, Diva Montelaba, at Enzo Pineda. “Marami ang very promising sa mga batang ‘yan. The kids really take it seriously. Hindi sila naglalaro…talagang gusto nilang matuto. Wala akong itulak-kabigin sa kanila, lahat sila gusto nilang matuto. Kaya the workshop went on smoothly,” pagkukwento pa ni Direk Gina regarding her experience on handling the Starstruck V’s workshops. Sa pag-uusap naman sa pagbabalik niya sa directing, ayon sa actress-director ay mas gusto niya na ibinabahagi niya ang kanyang mga nalalaman at mas lighter ang working environment. “Open naman ako if there are directing jobs. As of this moment, mas nag-eenjoy ako just acting and teaching kasi it’s less stressful. Because of the rating game na parang nakasalalay lahat sa direktor kung ano ‘yong resulta ng isang proyekto, too much pressure. And I think I’m getting old for that. Unlike teaching and acting lang, I’m more on a relaxed state,” paliwanag pa ni Direk Gina, who also plays the role of the kontrabida Lolly sa Mars Ravelo’s Trudis Liit. Pero ibig ba sabihin no’n ay hindi na mapapanood ng kanyang fans ang kanyang galing sa directing? “Siguro ‘yong directing depende sa project. Kung merong maganda…’yong pressure makakaya ko, pwede. Siguro mga anthology, pwede ‘yon. But not a soap opera na talagang, three times a week ‘yong tape and in between you rest, but still you go to a pre-prod. Baka ‘di ko kayanin ‘yon. That is too much pressure. Too much stress,” dagdag pa ng veteran actress-director. Pag-usapan si Ms. Gina Alajar sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!