Showbiz News

Enzo Pineda, excited nang magpatawa

Enzo Pineda shows a different side of him sa kanyang mga projects ngayon, kung saan ipapakita niya ang kanyang kakayahang magpatawa. Ano kaya ang mga maaasahan ng mga manonood mula sa kanya? Text by Karen de Castro. Photo by Mitch Mauricio. Maraming projects sa telebisyon ngayon ang StarStruck V finalist na si Enzo Pineda. Kabilang na dito ang kanyang guest character sa hit kantaserye na Diva. Ano nga ba ang mga maaasahan ng mga manonood sa kanya in the last two weeks ng Diva? “Sa Diva, umalis na si Mark papuntang London for a dance competition, so ang story ngayon, nakatutok sa’min ni Ynna [Asistio],” shares Enzo. “Abangan niyo na po kasi marami kaming eksena ni Ynna and yung story, maganda siya. Hindi niyo ie-expect na ganun pala ang mangyayari.” Aside from his guest spot sa Diva, mapapanood din si Enzo tuwing linggo sa Party Pilipinas at sa LoveBug presents Exchange of Hearts. Ngayong Sabado naman ay magsisimula na ang pinakabagong show na kabibilangan niya, ang fantasy-comedy na Kaya Ng Powers, kung saan makakasama niya ang kanyang kapwa StarStruck V finalist na si Rocco Nacino. Ano kaya ang maaasahan ng mga manonood sa bagong show na ito? “Comedy na may halong superheroes na may action,” kuwento niya. “Isa po silang family, Powers po yung apelyido nila. So kaming dalawa po [ni Rocco] yung manliligaw dun sa dalawang babaeng Powers. Si Joey Marquez ang tatay, si Rufa Mae [Quinto] ang nanay, si Rhian [Ramos] ang eldest, si Sheena [Halili] ang sunod, tapos si Elmo Magalona ang bunso. Tapos mommy namin si Jaya. Kami ang manliligaw.” Parehas na comedy ang Diva at ang Kaya ng Powers, kaya naman isang kakaibang Enzo ang mapapanood ngayon sa telebisyon. Ano naman ang pakiramdam ni Enzo sa kanyang pagpasok sa mundo ng comedy? “Of course, excited kami dahil we’re gonna tackle naman yung ibang genre ng acting, which is comedy. Totally different ang comedy sa drama,” Enzo reveals. Make sure to tune in sa final two weeks ng Diva, at abangan din ang pagsisimula ng Kaya ng Powers this Saturday after ng 24 Oras Weekend only on GMA. Pag-usapan si Enzo sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Enzo. Just text ENZO (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpaper, text GOMMS (space) ENZO (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.