Showbiz News

What’s next for Nina Kodaka?

Mas komportable na ngayon ang ‘StarStruck V’ alum na si Nina Kodaka sa kanyang pagho-host sa ‘StarTalk TX’. Ano naman kaya ang kanyang gustong isunod na gawin after hosting? Text by Karen de Castro. Photo by Mitch Mauricio. Habang ang kanyang mga kasamahan sa StarStruck V ay nagpapakita na ng kanilang kalinangan sa pag-arte, ibang larangan naman ang pinasok ni Nina Kodaka. Mapapanood si Nina ngayon sa Startalk TX tuwing Sabado, kung saan kanya nang naipapakita ang kanyang kakayahan bilang isang host. Kamusta naman ang kanyang pagiging host dito so far? “Medyo mabilis na akong makapag-memorize,” kwento ni Nina. “Kasi sabi sa’kin intindihin ko daw muna para hindi ako magkamali. At saka ang hirap kasi ng Tagalog.” Dahil unti-unti na siyang nagiging mas komportable bilang isang host, ito na nga kaya ang kanyang gustong maging focus sa kanyang career? “Maganda rin ang hosting kasi ang hosting, sigurado ka na meron every week. Pero ang gusto ko talaga, acting,” she reveals. “Hindi man ako magaling, but naniniwala ako basta ‘pag gugustuhin ko, gagaling.” Nakikita naman niya ang kanyang nagiging experience sa StarTalk bilang isang magandang training para sa kanya. “Kailangan medyo bakla-bakla [ang energy level]. Siguro yung StarTalk magandang training sa’kin kasi parang bakla dun,” she says. Kung magkaka-acting project naman siya in the future, ano kayang klase ng project ang gusto niyang makuha? “Love comedy,” sagot niya. “Sabi sa’kin, parang kahit seryosong scene, kahit seryoso, kahit iiyak pa ako, parang nagiging comedy daw.” At sino naman kaya ang kanyang gustong maka-partner sa romantic comedy na ito, if ever? Open pa rin naman siya sa ibang mga klase ng proyekto aside from comedy. “Kailangan naman lahat pwede ka. Kaya siguro ang problema ko kaya [ako] nagiging nakakatawa, kasi siguro yung Tagalog ko,” paliwanag niya. “Si Mark pa rin. ‘Di ba dati pa, si Mark Herras,” paglalahad niya. “Pero sino pa ba? Ian Batherson. Guwapo siya e, at saka pag sa kanya, hindi ako naiilang.” Until then, patuloy na mapapanood si Nina sa StarTalk TX every Saturday, after Eat Bulaga. Pag-usapan si Nina sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Nina through Fanatxt. Just text NINA (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpaper, text GOMMS (space) NINA (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.