Showbiz News

Bea Binene, honored sa kanyang panalo sa Wushu

Kamakailan ay nagkuwento si Bea tungkol sa kanyang naging experience sa National Wushu Championships. Text by Karen de Castro. Photos courtesy of Bea Binene. Nagpakita ng kakaibang galing ang young actress na si Bea Binene sa larangan ng Wushu sa nakaraang National Wushu Championship. Matapos ng kanyang isang taon na pagsasanay ay nagkamit si Bea ng isang bronze para sa kanyang San Lu Quan routine. How does Bea feel sa parangal na nakamit niya sa larangang ito? “Cool. Sobrang cool siya,” kuwento ni Bea. “Yun talagang competition, sabi ko, ifi-feel ko lang yung competition. Win or lose, gagawin ko siya. Pero yun, nag-bronze ako and I’m so happy po.” Kuwento pa ni Bea, natuwa siya dahil mahigit 200 ang sumali sa Nationals, at sa kanyang routine pa lamang ay 20 na ang kanyang nakalaban, kaya naman masaya na ito sa kanyang nakamit. “Yung [makasama] ka sa top three lang, sobrang nakaka-flatter na po.” Nang tanungin naman si Bea ng pabiro tungkol sa posibleng paggamit ng kanyang kaaalaman sa wushu para sa mga magiging manliligaw niya pagdating ng right time, natawa naman siya na sumagot ng “Hindi. Ewan ko po, hindi ko alam.” But Bea is very serious about one thing: ang kanyang pagmamahal para sa sport kung saan pinili niyang hasain ang kanyang kalinangan. “Mahal ko yung wushu e. Mahal ko po yung wushu kaya kahit na anong sabihin, magwu-wushu talaga ako,” reveals Bea. “Kahit pagbali-baligtarin itong mundong ito, magwu-wushu pa rin ako.” Sa isang exclusive interview ng iGMA.tv not too long ago ay inilahad ni Bea na pati ang kanyang kapwa StarStruck alum na si Enzo Pineda ay nalilibang na rin sa wushu, at nakakausap niya tungkol dito. Ngayon kaya ay magawa niya namang impluwensiyahan ang kanyang ka-love team at co-star sa Ilumina na si Jake Vargas na sumubok din ng wushu? “Taga-Olongapo siya e. E dito po sa Manila, sa Quezon City, yung training, so [mahirap],” sagot ni Bea. Pag-usapan si Bea Binene sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Bea. Just text BEA (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpaper, text GOMMS (space) BEA (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.