Showbiz News

Elmo, komportable sa kanyang role sa Pilyang Kerubin

Ano pa nga ba ang maaasahan natin mula sa ‘Pilyang Kerubin’? Elmo Magalona gives us an update, and he also shares how his experience in ‘Pilyang Kerubin’ is so far. Text by Karen de Castro. Photo by Connie M. Tungul. Nagiging mas mainit na ang mga eksena ngayon sa Pilyang Kerubin . Habang tinutupad ni Charity ang kanyang misyon sa mundo para muling makabalik sa langit, patuloy pa rin ang paghahanap ni Michael sa kanya. Ngayon na nakahanap na ng bagong karamay si Jacob sa kanyang paghahanap sa katauhan ni Aaron, ano pa kaya ang maaasahan ng mga manonood sa kanilang dalawa? Recently ay nagpaunlak si Elmo Magalona, na siyang gumaganap sa role ni Aaron, ng isang exclusive interview with iGMA.tv. Nagkuwento siya about what to expect sa Pilyang Kerubin. "Sa character ni Aaron, ang nangyayari ngayon is nagiging close na ako doon sa kapatid ko, sa hindi ko ka-blood na kapatid, si Michael,” kuwento ni Elmo. “Pero dati parang hindi. Parang gusto ko siyang i-kontra lagi tapos ngayon nagkakaroon na kami ng parang similarities sa buhay. So mas nagiging close na kami ngayon tapos nagtutulungan kami sa buhay.” Samantala, sa dami ng klase ng projects ni Elmo ngayon (aside from Pilyang Kerubin, kabilang din siya sa Party Pilipinas at sa Kaya ng Powers) sinasabi naman niyang pinakamadali para sa kanya ngayon ang kanyang ginagawa sa Pilyang Kerubin. “Siguro ngayon, mas comfortable ako doon sa ginagawa ko sa Pilyang Kerubin kasi mas [nakasanayan] ko na rin ito, tapos matagal ko na ring ginagawa,” reveals Elmo. Ngunit lahat naman daw ng kanyang ginagawa ay okay sa kanya, for a very special reason. “First love [ko] siguro yung pag-acting,” he says. “Let’s say kahit mag-ano ako, magkanta or sayaw or acting, lahat naman [ito] okay sa akin kasi parang ito yung ininherit naming doon sa dad namin.” Abangan si Elmo at ang mga mangyayari sa kanyang character na si Aaron sa Pilyang Kerubin, weeknights pagkatapos ng 24 Oras only on GMA. Pag-usapan si Elmo sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!