TV

'Eat Bulaga' dabarkads, big winners sa 51st Box Office Entertainment Awards

By Cherry Sun

Big winners ang Eat Bulaga dabarkads sa kagaganap lamang na 51st Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

Nitong Lunes, October 19, live na binati ni Joey de Leon ang kanyang kapwa dabarkads na kinilala sa virtual awards night ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

Pinarangalan bilang Comedy Actress of the Year si Maine Mendoza habang nakatanggap naman ng awards si Alden Richards bilang Phenomenal Box Office Star and Film Actor of the Year.

Si Paolo Ballesteros ang itinanghal na Comedy Actor of the Year at kasama ang kanyang partners na sina Jose Manalo at Wally Bayola ay kinilala rin sila bilang Male TV Hosts of the Year.

Ibinahagi ni Paolo ang kanilang panalo at nagpaabot ng kanyang pasasalamat sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Maliban sa dabarkads na nasa studio ngayong araw, naparangalan din si Allan K ng Bert Marcelo Lifetime Achievement Award.

Panoorin ang virtual ceremony ng 51st Box Office Entertainment Awards dito: