TV

Showbiz Central: October 23 Highlights


 
Eat Bulaga Dabarkads, masusubukan ang laglagan powers sa pagharap nila kay Gossip Gurl Rufa Mae Quinto! Sino ang matataya  at mabubuking as they rank the stars from the lowest to the highest level in the name of tamang chikahan sa star leveling! 
 
Jake Vargas, dinedicate sa inang may sakit ang unang music award na natanggap sa Star Awards!
 
Manay Lolit Solis, pumalag sa mga paratang diumano ni Lito Camo na siya raw ang nagkakalat ng balitang pagpapabinyag daw ni Pacman sa batang anak daw niya sa ibang babae!
 
Misis ng batikang aktor, lumantad at umapela sa mister kaugnay ng pagpapakilala at pagkakaroon na nito ng bagong Mexican-American  girlfriend!
 
Marian Rivera, may mga personal na rebelasyon sa mismong set ng Amaya sa Pagsanjan!
 
Aljur Abrenica humiwalay daw sa katawan ang kaluluwa? Ang kakatwang pangyayari ng astral projection sa young actor, kuwentong tinutukan!
 
 Ms.Susan Roces, handang makasama sa isang project ang anak ni Da King na si Lovi Poe! Ang panig ni Lovi sa pahayag ng biyuda ng kanyang ama, ihahatid live na live!
 
Dating teen star, dating lalaki na rin dahil ang ex-male teen artist isa nang dream come true -certified married beauconera! Ang kuwento niya at ng mga nakasama niya sa showbiz, abangan!    
 
Tim Yap latest na biktima ng hacking! Ang apela ni Tim sa pagkaka-hacked ng kanyang Twitter account, ihahatid!
 
John Sweet Lapus haharap sa kauna-unahang tampok sa Showbiz Central’s T.M.I.-The Most Influential the Regal matriarch Mother Lily Monteverde! Mga never before heard stories ng pinagdaanan niya sa industriya at sa mga artistang nakasalamuha, for the first time ilalantad!
 
Kilalanin ang controversial Kapuso star na sasalang sa Don’t Lie To Me Reloaded! Live na live!
 
Sino ang Kapuso star na haharap kay Mindmaster Nomer! Ano’ng mga sikreto niya ang malalantad sa oras na basahin na ng  mindmaster ang kanyang mga naiisip! Abangan!