TV

Chef Boy Logro, kinilig nga ba sa pictorial nila ni Ms. Nova Villa?

Kusina Master na si Chef Boy Logro ang nagisa ni John “Sweet” Lapus sa Don’t Lie To Me segment ng Showbiz Central. Dito sinagot ng Tweets for my Sweet star ang mga isyung binabato sa kanya, kabilang na ang mga sumusunod.
 
Question: Totoo ba na crush mo ang nag-iisang songbird na si Regine Velasquez?
Chef Boy’s answer: No
Lie detector says: Truth
Nang tanungin si Chef Boy kung bakit siya nataranta nang maging guest si Regine Velasquez-Alcasid sa Kusina Master last February, gayong hindi naman niya ito crush, ito ang kanyang sagot, “Siyempre kung Songbird ba naman…Regine ‘yan. Idol na idol ko sya,” paliwanag ni Chef Boy.
 
Question: Totoo ba ang balita na noong pictorial ng Tweets for my Sweet ay natameme ka at kinilig ng bongga kay Ms. Nova Villa?
Chef Boy’s answer: Yes
Lie detector says: Truth
Masarap daw ang pakiramdam na ang childhood crush niya ay katrabaho na niya ngayon. Nang tanungin kung liligawan niya si Ms. Nova kung nasa Manila siya noong araw, heto ang kanyang sagot, “Hindi [ko] pa rin [siya liligawan], kasi iniisip [ko], ‘Ano ba naman ang isang kusinero lang para manligaw sa isang artista? Parang langit at lupa.’”
 
Question: Totoo ba na guwardiyado ka ng misis mo sa set ng Kusina Master tuwing may taping ka dahil di umano nagseselos si misis kapag may guest kang babae?
Chef Boy’s answer: No
Lie detector says: Lie
Inamin ni Chef Boy na nagpupunta ang misis niya sa set tuwing may taping. “Sabi niya sa akin, ‘Boy, kahit halikan ka sa pisngi, huwag lang sa lips.’ Nagseselos na siya doon,” paglilinaw ng celebrity chef. Wala pa naman daw siyang guest na hinalikan siya sa labi.
 
Mapapanood si Chef Boy Logro sa pinakabagong dramedy, ang Tweets for my Sweet, at sa cooking shows niyang Kusina Master sa GMA-7 at Idol Sa Kusina sa GMA News TV.