Showbiz News

Gwen Zamora, hindi masyadong natatakot ma-stereotype bilang kontrabida



Ito ang sagot ni Gwen Zamora nang tanungin ng press during a photoshoot last May 7 kung nagdadalawang-isip na ba siya sa pagtanggap ng mga kontrabida roles. “What I love about acting is challenging myself with the character,” dagdag pa niya.

Nagbigay rin ng update ang young actress tungkol sa kanyang international film na The Witness. “Ngayon nasa Indonesia siya pero next month nasa Singapore tapos Bangkok.  Then after yata Brunei, Kuala Lumpur, and baka magdu-Dubai din siya,” says Gwen. 

Nagpasalamat din siya sa lahat ng nagbigay ng positive reviews sa naturang pelikula, although hindi siya nag-eexpect ng award sa kakaibang role na kanyang ginampanan. “I don’t know since it is being released commercially. Hindi ko rin alam kung parang may festival, and if ever ma-nominate siya in Indonesia, it won’t be possible for me to win an award [because] I’m not Indonesian,” paliwanag niya.

Nang tanungin kung ano ang mas gusto niya between acting and modeling, acting ang mas pinili ng aktres. “I like acting so that whenever I model, I act like I’m a model,” patawa niyang sagot.

Masayang ring ibinahagi ni Gwen ang mga paparating niyang projects ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng Biritera.  Aside from Bubble Gang kung saan isa siya sa mga mainstay, kasama rin siya sa Boy Pickup The Movie na pagbibidahan ni Ogie Alcasid. “Super sexy ng character ko dun,” notes Gwen.

Panoorin si Gwen Zamora sa Biritera, weeknights pagkatapos ng 24 Oras, at sa Bubble Gang every Friday after Dong-Yi.