Showbiz News

Marian Rivera, handa na kayang mag-pose sa cover ng men's magazine?

Showbiz Central five years ago ay ang pagsisimula rin ng pag-usbong ng career ni Marian Rivera when she played the title role in Marimar.
 
Bilang isang certified SC baby, ibinahagi ng Primetime Queen ang mga pagbabago sa kanyang buhay at ang mga balak pa niyang gawin sa isang exclusive interview with John ‘Sweet’ Lapus.
 
Sweet: Si Marian Rivera po ay ispesyal sa aming mga taga Showbiz Central kasi halos sabay po n gaming programa ang pagpi-peak ni Ms. Marian Rivera dito sa showbiz via Marimar. Naaalala mo pa ba yun?
Marian: Oo naman, siyempre kung meron man akong soap opera na di makakalimutan, Marimar yun.
 
Sweet: Hanggang ngayon ay may mga fans ka na tuloy-tuloy ang panawagan. Kelan na ba magcocover ng FHM si Ms. Marian Rivera to think na ikaw pa lang yung nag Number 1 na hindi pa nagcocover? So kelan na ba finally?
Marian: Malay mo this year. Pag ininvite nila ako. Malay mo pag ininvite nila ako pumayag na ako this time.
 
Sweet: May anak na si Marian Rivera?
Marian: Naiyak talaga ako nun.
 
Sweet: Yun ba yung pinaka naapektuhan ka?
Marian: Oo yun talaga, yung buntis issue. Sabi ko nga, saan kaya nila napulot yung buntis ako? Buti pa sila alam nila. Hanggang ngayon yun pa rin ang issue, buntis pa rin ako. Nakakaloka!
 
Sweet: Hindi naman sa pinipressure ka namin, pero I’m sure alam mo na may clamor ang mga fans niyo ni Dingdong na sana kayo na ang magkatuluyan, sana ikasal na sila. Yan ba pinag-uusapan niyo ni Dong, o malayo pa talaga?
Marian: Alam mo kasi parang ako, andami ko pang dapat gawin. Marami pa akong gusting gawin sa buhay ko at naniniwala ako na yang mga kasal-kasal na yan at engage-engagement ring na yan ay napakabigat na moment sa buhay ng isang tao na kailangan pinag-iisipan mo. ‘Ano ba ang magiging kalabasan nito?’ ‘Magiging okay ba?’ Magiging successful ba after all?’ So dapat pinag-iisipan di lang ng isang beses, [dapat] maraming beses kasi mahirap magkamali at hindi mo na maibabalik yun. Kailangan gusto ko sa sarili ko kapag ginawa ko na yun ay talagang ready na ready na ko.
 
Sweet: Ano naman ang hindi nagbago kay Marian?
Marian: May prinsipyo kasi ako sa buhay talaga at may mga bagay na pinapasalamatan kong nangyari sa buhay ko. Ever since kahit hindi ako artista, kapag may nangyayaring maganda sa akin di ako nakakalimot na magpasalamat talaga. Kapag may magandang ibinigay sa iyo at pinahalagahan ka nila, babalik ko yun sa kanila.
 
Sweet: Ano ang inaasahan or gusto ni Marian sa next five years?
Marian: Next five years? Ay nandito pa rin ako kasi mag-aanniversary ulit kayo, mag-guest ulit ako dito at tatanungin mo ulit ako after five years, ‘Kamusta si Marian Rivera?’
 
Mapapanood si Ms. Marian Rivera sa My Beloved from Monday to Friday pagkatapos ng Legacy, at sa Tweets for My Sweet tuwing Linggo ng gabi pagkatapos ng 24 Oras Weekend.