TV

‘Faithfully’ stars will heat up your afternoon via the Live Chat!



Handang-handa na sina Maxene Magalona, Isabelle Daza, Marc Abaya, at Mike Tan ng Faithfully na makipag-chat with their fans through the GMANetwork.com Live Chat on July 3,  from 2:00 p.m. to 4:00 p.m. 
 
Discover their secrets and know more about their characters mula mismo sa mga bida ngayong patindi na ng patindi ang mga kaganapan sa Afternoon Prime show na ito.
 
Maxene plays the role of Stella, a poor lady who strives to earn an education despite the meager earnings of her family.  Nang mamatay ang kanyang ina, sa kanya iniwan ang lahat ng properties nito kaya in an instant ay naging mayaman si Stella. Ngayon ay inaalam niya kung sino ang mistress ng asawang si Kevin, at pinaghihinalaan niya ang kanyang mga kaibigan.
 
Portraying the role of Misha is Isabelle Daza, na first time sumabak sa isang teleserye. Siya ay isang events organizer na makikilala ni Stella through her childhood friend Luchie. Siya rin ang huling babaeng inakala ni Stella na kabit ni Kevin.
 
Si Marc naman si Kevin, ang asawa ni Stella, who is currently in a coma dahil sa isang aksidente.  Siya ay dating boyfriend ni Dina, played by Vaness del Moral, na unang pinaghinalaan ni Stella na other woman ng asawa.
 
Kukumpleto naman sa love triangle nina Stella at Kevin si Perry, played by Mike Tan.  Siya ay in love kay Stella at tutulungan niya itong makilala ang other woman ni Kevin.  Siya rin ay lumaki sa isang sindikato kaya siguradong may aabangang twist sa character niya.
 
Para lalong makilala sina Maxene, Isabelle, Marc, at Mike at malaman ang mga susunod na mangyayari sa Faithfully, join their live chat this Tuesday, July 3, from 2:00 p.m. to 4:00 p.m. Log on to GMANetwork.com/livechat to be part of this exclusive event.