Showbiz News

Diana Zubiri, nilinaw ang dahilan ng biglaang pag-alis sa show business

Bahay Bata, at sa kanya ipinagkaloob ng award giving body ang Best Performance in a Lead Role award. 

Dahil sa dramatic showbiz comeback ni Diana, muling naungkat ang issue patungkol sa dahilan ng pansamantalang  pag-alis nito sa limelight.

Sa kanyang pag-upo sa hot seat ng Don’t Lie to Me segment ng Showbiz Central last Sunday, walang takot nitong hinarap at sinagot ang mga  katanungan ni Showbiz Central Host John Lapus.

Question: Ngayong undefeated at record holder ka sa FHM, sa tingin mo ikaw pa rin ba ang pinaka-sexy sa mga hanay ng FHM’s Finest this year?
Diana’s answer: Yes
Lie detector says: Truth
“Tingin ko kasi, ganda lang. At di ko kailangan mangampanya para manalo. Wala pa kasing text noon, balota lang. Kaya sa tingin ko, ako pa rin ang panalo.”


Question: Totoo bang nagwalk-out ka sa shooting ng pelikula mong Bahay Bata?  
Diana’s answer: No
Lie detector says: Truth
“Hindi ko alam kung bakit may issue. Ang pagkakaalam ko lang, gusto nilang magre-shoot ng ilang sequences. Kaso, 'di na ako pwede noon, at medyo malayo ‘yong lugar.”


Question: Nagpakasal ka ba kaya’t pansamantala kang nawala sa showbiz?
Diana’s answer: Yes
Lie detector says: Truth
“November 2008 nang magpakasal kami . Kaso nagkasakit siya kaya’t September 2010, nawala na siya. Kaya ayon, gusto ko magpasalamat sa mga taong nakaintindi ng sitwasyon ko noon at ang desisyon ko noon na maging private muna ‘yong nangyari sa akin. Ngayon, medyo okay na ako. Malungkot at maraming tanong, pero hanggang ngayon ay moving on pa rin.” 

Abangan ang pagbabalik ni Diana Zubiri sa GMA Network.