TV

Luha, tawa, pera at saya sa Manny Many Prizes



Mula sa pagbisita natin sa US, nakilala natin si Lola Leoning, ang matandang namumuhay sa pamamasura na ang tanging nais ay makabalik sa Pilipinas upang makasama ang kanyang pamilya. Ang kanyang simpleng kahilingan, natupad na! Sabay-sabay nating salubungin si Lola Leoning at saksihan ang nakakaantig na tagpo! 
 
Makikigulo rin ang tween stars na sina Joyce Ching, Lexi Fernandez, Ken Chan at Joshua Dionisio sa buong barkada at sa hamon ng Kering-keri Kaya? Masusuwerteng studio player ang maaring sumubok maglaro at manalo sa Basket-bull, Shock-attack at Laglag Barya Challenge!
 
Up to 1 Million pesos pa rin ang handang ipamigay ni Ninong sa kung sinumang mananalo sa Easy Manny at maglalaro sa Jackpot round!
 
Luha, tawa, pera at saya… Ngayong Linggo ng hapon sa Manny Many Prizes 2:45pm pagkatapos ng Party Pilipinas!