TV

Kiligin muli sa tambalang Aljur at Kris!



Alam naming matagal na ninyong hinihintay ang pagbabalik online ng inyong paboritong love team na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal. Makakasama ninyo ang bida ng Philippine adaptation ng Coffee Prince sa GMANetwork.com Live Chat ngayong November 6!
 
Tiyak na masayang panoorin ang kanilang kulitan at kuwentuhan as they chat with fans all over the world. Dapat rin abangan ang kanilang update sa lalo pang nakakakilig na mga eksena ng kanilang top-rating Telebabad show. Ihanda na ang inyong mga tanong, comments at messages para sa dalawa nating bida.
 
Ano ang mangyayari sa love quadrangle nina Andie, Arthur, Errol at Arlene? Mapangatawanan kaya ni Andie a.k.a. Andrea ang kanyang transformation? Gaano nga ba kahirap para kay Kris ang magpanggap na lalaki? Ano ang nararamdaman ni Aljur at Kris sa kanilang balik-tambalan? Ilan lang ito sa mga questions na maaring sagutin ng dalawa. Don’t miss this exclusive event on November 6, from 2 p.m. to 4 p.m. (Philippine time). Log on to http://www.gmanetwork.com/livechat to join this event. -- Loretta Ramirez, GMANetwork.com