Showbiz News

Samahan ang buong tropa ng Manny Many Prizes ngayong Linggo ng hapon!



Sabay-sabay nating parangalan ang mga magigiting at mahal nating mga kasambahay. Saksihan kung paano sila magpapasikat ng kanilang talento at sasagot sa mga makukulit na tanong ng ating mga ka-tropa. Sino kay sa kanila ang kikilalaning My Modelong Pambahay 2012?
 
May inihanda din tayong sorpresa para sa ating mga homeviewers kaya't tumutok lang para manalo ng cash prize mula sa Word Champ Homeviewers Edition.
 
Mula sa mga inimbita nating mga kasambahay, isa sa kanila  ang may pagkakataong maging isang bagong milyonaryo sa mas pinasayang Easy Manny!
 
Kilalanin rin ang kwento ng isang kahanga-hangang kasambahay na si Marissa Bautista. Matagal na siyang nagseserbisyo sa iba't ibang kabahayan na naging  dahilan upang malayo siya sa kanyang kapatid. Ang kahilingan na magkaroon ng mas magaang na pamumuhay at makitang muli ang kapatid, abangan.
 
Makikisaya rin ang Protégé Season 2 stars na sina Mickoy Morales, Ruru Madrid, Andres Vasquez, Byan Benedict at Japs de Luna pati na rin sina Elle Ramirez at Zandra Summer. Bibisita din sina Sheena Halili, Louise delos Reyes at Joshua Dionisio. Samahan ang buong tropa kasama ang ating guest host na si Richard Gutirrez, ngayong Linggo, 2:45pm pagkatapos ng Party Pilipinas.