TV

Chris Tiu at Heart Evangelista, hosts ng pinakabagong infotainment program ng GMA7—WATTAJOB!

WATTAJOB!
 
Mula current events hanggang special features, bawat kakaibang trabaho ay siguradong pasok sa weekly list ng Kapuso heartthrob host na si Chris Tiu kasama ang multi-awarded actress Heart Evangelista. Makakasama rin nila ang comedian na si John Feir.
 
Patutunayan ang halaga ng pagtitiyaga at dedikasyon, papasukin at susubukan na ng 45-minute program na ito ang mga hindi pangkaraniwan, madudumi, at delikadong mga trabaho.
 
Sa Sabado, makikita na kung anong panganib ang naghihintay sa isang babaeng nagrereport habang nasa isang cavern 250 below the ground sa South Dakota, USA. Madidiskubre na kung gaano kadelikado ang sundan sa gabi ang daan ng isang serial killer sa London at trabahong sumusubok sa takot ng isang tao sa mga matataas na lugar habang naghahanap ng isang kakaibang uri ng flora sa mga cliff ng Tagaytay.
 
Sumasaludo sa mga taong dumadaan sa mga hindi pangkaraniwang trabaho, mapapanood na ang WATTAJOB! simula November 17 pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA7.