TV

Max Collins, naluha sa suportang ibinibigay ng kanyang 'Coffee Prince' co-stars



Hindi napigilan ni Max Collins na maging emosyonal nang ibahagi ng GMANetwork.com sa kanya ang positive feedback sa kanyang pag-arte ng mga kasama niya sa Coffee Prince. Si Max kasi ang napili ng Kapuso network na gumanap bilang kapareha ni Dingdong Dantes sa upcoming teleserye na Pahiram ng Sandali.
 
“Nakakatuwa sobra, kasi hindi ko talaga ito in-expect. Lahat sila todo support sa akin at ‘yung mga sinasabi nila tungkol sa akin na sa tingin nila ready ako and na kaya ko, nakakataba ng puso. As an actor I think the best compliment you can get is that from your co-stars, ‘yung mga nakakatrabaho mo, na masabi nila na they’re proud of you,” shares a teary-eyed Max during our set visit sa Coffee Prince last November 14.
 
Prior to the interview with Max ay nakapanayam ng GMANetwork.com ang kanyang co-stars na sina Kris Bernal, Aljur Abrenica at Benjamin Alves who all believe na handang handa na ang actress for a lead role.
 
“Deserving talaga si Max, matagal nang ready ‘yan. Bawat show naman na binibigay sa kanya, kahit doon sa mga performances niya sa dati niyang show, nakita ko naman na okay siya at magaling siya. Ngayong nakatrabaho ko [na siya], doon ko pa nakita na ‘Ah, kaya pala siya mahusay kasi pinag-aaralan niyang mabuti,’” paglalarawan sa kanya ni Kris.
 
“Ipaglalaban ko sa mga tao at ipagmamalaki ko na si Max ay karapat-dapat sa proyekto na ito. ‘Yung disiplina niya sa craft niya, grabe. Talagang nagpe-prepare siya and ‘yung improvement niya sa Tagalog, ang bilis,” says Aljur.
 
Ganoon din ang nasabi ni Benjamin. “I had no doubt that she was ready for it once we started working here. Just from the workshop that we did for Coffee Prince, alam ko na that’s her path. And I know her story, I know how she has waited for this for a long time, so I’m excited for her.”
 
Hindi rin naman tinanggi ni Max ang pressure na nararamdaman niya ngayon. “Pressured na pressured to the max! Hindi talaga ako makapaniwala na ito na, nabigyan na ako ng pagkakataon to prove myself as an actress and I’m just so thankful and grateful and I’m so, so happy, I really am. But andun pa rin ang pressure, and I’m so nervous because it’s such a big deal. I want to make everyone proud.”
 
May mga kailangan din daw siyang paghandaan, like riding a motorcycle. “Kailangan kong matutong mag-motor so ‘yun ang paghahandaan ko, at excited ako. Besides that, besides studying the script, I want to improve on my Tagalog kasi minsan ‘yun talaga ang weakness ko.”
 
Okay lang din daw sa young actress na hindi siya ang first choice para sa role na ito. “Sobrang thankful nga ako na kinonsider nila ako kasi hindi ko talaga akalain that I could even be a choice for the role. I’m just so thankful and grateful, and I have no conflict about the fact na second choice ako and it was originally for Kylie.”
 
Abangan si Max Collins sa huling linggo ng Coffee Prince at sa pinakabagong primetime series na Pahiram ng Sandali simula sa November 26 sa GMA Telebabad. -- Michelle Caligan, GMANetwork.com