TV

Cast ng Coffee Prince, mixed emotions sa pagtatapos ng show



Hindi itinanggi ng cast ng top-rating primetime drama na Coffee Prince ang kanilang lungkot sa pagtatapos ng kanilang programa. Eight weeks lang kasi talaga ang run nito at hindi puwedeng i-extend ang kuwento. Sa pagbisita ng GMANetwork.com sa kanilang set sa Batangas, ibinahagi nina Kris Bernal, Aljur Abrenica, Benjamin Alves, Max Collins, at Steven Silva ang kanilang nararamdaman sa pagpapalabas ng kanilang huling episode. 

“Sayang, kasi dito sa Coffee Prince naramdaman ko talaga ‘yung character ko and gusto ko ‘yung ginagawa ko, and natutunan ko din kung paano gawin ang isang comedy. Pero naiintindihan ko naman ang dahilan din, na ‘yung show namin ay kailangan talaga ganito lang kaikli. Pero mami-miss ko lahat kasi lahat kami dito magkakasundo, kami nina Benj, nina Max. Tapos ito pa ‘yung balik-tambalan namin ni Aljur, kumbaga ngayon lang ulit kami nagsama ng halos araw-araw. Mami-miss ko sila,” shares Kris.
 
Tanggap na rin naman ni Aljur na hindi talaga mae-extend ang kanilang TV series. "Before kami mag-start, we were told na hanggang eight weeks lang talaga ang Coffee Prince. Siyempre hindi din namin maiwasan bilang isang artista na mag-expect na ma-extend dahil tutal maganda naman 'yung ratings ng show. Nalungkot ako kasi hanggang eight weeks lang talaga siya."
 
Dagdag pa niya, "Nalungkot din ako kasi para sa akin ito 'yung show na pinakamasarap 'yung samahan. Halos lahat kasi kasing age ko, 'yung mga seniors natin halos lahat sila nakasama ko na, 'yung iba naman is pinapangarap ko lang na makasama ko noon, which nakasama ko na ngayon. Sobrang happy talaga ako sa set ng Coffee Prince, at sobrang at ease ako. Parang isang buong pamilya kami."
 
Thankful naman si Benjamin na napasama siya sa Coffee Prince, lalo na't ito ang first teleserye niya. "First, it's sad. Nakakalungkot kasi at this time everyone's getting to know each other, parang we have a tight bond now; we're a family. At the same time, it's also exciting because Max is already having a new show. It's an exciting time for all of us because as far as we're concerned, I think we've given the show justice and successful naman [siya] in our eyes. Nakakalungkot pero excited din kasi on what comes after. Sobra [akong] appreciative of this opportunity."
 
Max, who will be back on primetime as Cindy sa Pahiram ng Sandali, shares the same thoughts. "Nakakalungkot, kasi parang naging family ko na rin silang lahat—mula sa staff, sa mga artista, sa director—naging pamilya ko silang lahat. At nakakalungkot na matatapos na, ambilis ng show.”
 
Masaya naman si Steven na they were able to deliver something different to the Fiipino TV audience. "It's kind of sad, but I'm very happy kasi fan din ako ng original show. Ang maganda kasi sa Coffee Prince, hindi siya puro drama, puro iyakan. May mga drama scenes pero mayroon ding comedy. May mga mellow scenes, hindi naman puro heavy drama.”
 
Abangan ang huling gabi ng Coffee Prince ngayong Biyernes, November 23, pagkatapos ng Aso ni San Roque sa GMA Telebabad. -- Michelle Caligan, GMANetwork.com