Showbiz News

Chantal Gonzales Sashays Her Way Into Vengeance




Patindi na nang patindi ang mga kaganapan sa Temptation of Wife, at talaga namang super exciting ang mga susunod na mangyayari sa buhay ni Angeline, lalo na ang transformation niya into the foxy and feisty Chantal Gonzales.
 
At present, inaakala ng lahat na patay na si Angeline. Pinaniniwalaan ng mga Salcedo at mga Santos na namatay si Angeline sa pagkalunod. Ito rin ang iniisip ni Heidi, na siyang dahilan kung bakit nahulog si Angeline sa dagat in the first place.
 
Mabuti na lang at natagpuan ni Nigel si Angeline sa dagat. Pinatira ni Nigel si Angeline sa bahay niya, at inintroduce pa kay Lady Armada. Pinakilala niya ang sarili niya as Chantal, pero nawalan ng tiwala sina Nigel at Lady Armada sa kanya nang malaman na nagpapanggap siya.
 
Umiba ang ihip ng hangin as soon as Lady Armada found out na daughter-in-law pala ng former lover niyang si Romeo Salcedo si Angeline. Pinatawad niya ang dalaga, at pinangako na tutulungan siyang magbagong buhay at maghiganti sa mga Salcedo. Si Angeline ay magiging si Chantal Gonzales, na siyang magiging bagong mukha ng soon-to-be-launched House of Armada.
 
Angeline undergoes rigorous training in Speech and Personality Development. Na-complete ang makeover niya with a fierce bob haircut and a new sexy image.
 
Sa official launching ng House of Armada, tuluyan nang nabura ang lahat ng bakas ni Angeline. Instead, rumampa ang mala-diyosang si Chantal Gonzales. Napatitig ang lahat, at  hindi maiwasan ni Marcel na makita ang mukha ni Angeline kay Chantal.
 
With fame and fortune in her hands, paano kaya paiikutin ni Chantal sina Marcel at Heidi? Paano niya mapaparamdam sa pamilya niya ang pagmamahal niya now that she’s a different person? Magtatagumpay kaya siya sa inaasam-asam niyang sweet revenge?
 
Temptation of Wife airs weeknights after Pahiram ng Sandali on GMA Telebabad.