Showbiz News

Netizens, tinutukan ang Indio premiere



Nagsimula na kagabi ang pinaka-engrandeng epic serye ng GMA ang INDIO at nagtala ito ng mataas na ratings sa kaniyang pilot episode.
 
Ayon sa datos na nagmula sa mas-kinikilala at mas pinagkakatiwalaang TV ratings supplier na Nielsen TV Audience Measurement, kagabi ay naungusan ng INDIO ang katapat nitong mga programa.
 
Base sa Mega Manila overnight ratings, nakapagtala ang INDIO ng household rating na 29.3% laban sa katapat nitong programa na nakakuha lamang ng 23.1%.
 
Ang nasabing serye ay pinag-usapan at naging isa sa most trending topics sa Pilipinas sa sikat na micro-blogging site na Twitter.
 
Sa unang episode ng epiceserye, ipinakilala sa mga manonood ang batang si Malaya, na siyang magiging ang tagapagligtas na si Indio. Nagsimula ang kuwento sa panahon bago sinakop ng mga dayuhan ang Pilipinas, kung saan may maunlad nang pamumuhay, kultura at paniniwala ang ating mga ninuno.  Sila rin ay naniniwala na kay Laon, sa mga umalagad, sa mga busaw na nakatira sa ilalim ng lupa, at sa mga diwata.  Ang mga diwatang ito, gaya ng ating mga ninuno, ay nakatira sa ibabaw ng lupa at nakikisalamuha sa mga tao.

 

Isa sa mga diwatang ito ay si Ynaguiginid, ang diwata ng digmaan na humalili kay Malanduk.  Siya ay umibig sa isang magiting na mandirigmang si Hangaway at sila ay binayaan ng isang anak. Nagambala ang kanilang tahimik na pamumuhay sa pagdating ng mga dayuhang sumakop at sumira ng kanilang banwa.
 
Dahil dito, kinailangang lumaban at humawak ng sandata ni Ynaguiguinid. Upang mailigtas ang kanyang anak mula sa mga dayuhang mananakop, inilipat niya ang lahat ng kanyang kapangyarihan sa bata. Ito ay kanyang ikinamatay, pero sa tulong ng diwatang si Magayon, ay kinupkop ng mag-asawang Tarong at Linang ang bata at pinangalanan siyang Malaya.
 
Naantig ang mga netizens sa simula ng kuwento ni Malaya. Marami ang natuwa sa pagpapakita ng kultura at kaugaliang Pilipino sa series.  

Ayon sa tweet ni @callmeRAL, “This is culture that only great, classy productions can accomplish. No sloppy, over-rated, passe scenes. This is timeless #INDIO#IndioGMA

 

Ganoon din ang nadama ni @kaipcruz na nagtweet na “I'm SO PROUD to be Kapuso & to be Filipino. #INDIO is amazing! Grabe ibang level! #IndioGMA”.

Proud na proud din si @heyyoAngelo na nagtweet ng “You're drawn back into the past. Live among the natives. Be proud of your heritage. Ipagbunyi ang pagka-Pilipino. #IndioGMA

Bukod sa pagpapakita ng kulturang Pilipino ng Indio, umani rin ng papuri ang mga special effects na ginamit upang lalong mas mapaganda ang serye. Ayon kay @KiroJeremy,“Breathtaking effects and fighting scenes! Now watching #indioGMA”. Sabi naman ni @angelica944, “@gmanetwork super ganda po ng #IndioGMA special effects pa lng panalo na pak na pak ! Keep it up guys :)” Nagtweet rin si @simplypatrick19 ng “Bihira ka lang makakakita ng ganitong ka-engradeng series on Philippine TV. #IndioGMA

Napansin rin ang husay ng mga nagsiganap sa Indio. Nagtweet si @Rhiix02 na “Ang galing umakting ng bata sa Indio. Papirmahan na ng kontrata yan habang baby pa :D #IndioGMA”. Nagtweet rin si Lani Mercado gamit ang username na @lanimrevilla ng “I missing #Amaya set while watching #IndioGMA.Spanish speaking actors Mark Gil and Monching Gutierrez giving justice to their roles


Ano pa kayang mga pakikipagsapalaran ang haharapin ni Malaya? Huwag magpahuli sa mga tumitinding tagpo sa INDIO pagkatapos ng 24 Oras sa hindi mapantayang GMA Telebabad. (text by Samantha Portillo, GMANetwork.com)