TV

John 'Sweet' Lapus, bakit tinawag na 'original Marites'?

By Jimboy Napoles

Tampok sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga kamakailan ang mga dating production staff na ngayon ay mga ganap nang artista. Isa na rito ang aktor, host, at komedyante na si Jonathan Anthony Lapus o mas kilala bilang si John Lapus o Sweet. Dito ay ibinahagi niya ang kaniyang mga naging trabaho bago pasukin ang pagiging artista.

Kwento niya sa Eat Bulaga hosts na sina Paolo Ballesteros at Maja Salvador, una muna raw siyang nagtrabaho bilang writer at researcher ng isang showbiz-oriented talk show sa TV. Sa katunayan, halos maikot niya na raw ang position bilang production staff maliban sa pagiging makeup artist.

"Ang una kong trabaho sa showbiz ako ay researcher, sa awa ng Diyos na-promote bilang head researcher, segment producer, tapos along the way naging talent coordinator, pictorial director, promo specialist, ang last position ko ay creative associate producer ng isang showbiz-oriented talk show," kwento niya.

Dagdag pa niya "Actually yung same show na yun doon ako na-promote, lahat ng position napagdaaanan ko doon maliban sa executive producer, makeup artist, at caterer yun lang ang hindi ko naging trabaho," masayang sinabi ni Sweet.

Pwede nga raw siyang bansagan na original Marites dahil sa kaniyang paghahanap ng showbiz balita noon bilang researcher.

"Nagreresearch talaga literal ng tsismis…yes original marites," aniya.

Taong 2000 daw nang pasukin ni Sweet ang pagiging on-cam talent na nagtuloy-tuloy na hanggang 2018.

Kwento niya, "Year 2000, ang daming nagandahan sakin, sabi nila 'ang ganda mo hindi pang off-cam dapat mag-artista ka' so by the year 2000 hanggang 2018, nag one hundred percent artista na lang tayo."

Pero paglilinaw ni Sweet, hindi raw siya graduate ng communication arts-related courses kundi hotel and restaurant management ang kaniyang tinapos.

Aniya "Ako po ay hotel and restaurant management graduate from the Pontifical University of Santo Tomas, kaya lang po ako po ay Teatro Tomasino, the university-wide theater guild of UST kung saan na-meet ko ang aking mga Ate na noong mga panahon na iyon ay mga nasa showbiz na, siyempre bilang kanilang little sister, pagka-graduate ko nirecommend nila akong magtrabaho doon sa aking first network, yun na yun tuloy-uloy na so hindi ako nakapag-practice ng aking course na HRM."

Panoorin ang masayang kwentuhan ng EB Dabarkads kay Sweet sa video na ito:

Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang mga larawan ng ilan pang mga artista na nagsimula bilang production sa TV at pelikula: