TV

Jaws of Steel at Super Memory, ilan sa mga dapat abangan sa Superhumans episode ng Kap’s Amazing Stories


Ngayong Sabado (Pebrero 16), isa na namang nakakabilib at nakakamanghang Kap’s Amazing Stories ang dapat abangan tampok ang Stan Lee’s Superhumans episode.
 
Sinasabing taglay ni Salim Haini ang jaws of steel dahil sa kanyang superhuman ability. Kilala rin sa tawag na El Akoul o The Eater, kaya ni Salim na ngumuya ng kahit ano. Ayon kay Salim, kaya niyang tunawin sa tiyan ang ano mang bagay mula sa metal, glass, at kung anu-ano pa. Naiiba nga ba siya o baka isa lamang itong rare eating disorder? Kakayanin kaya ng sikmura niya kung kakain siya ng bubog at bakal?
 
Kilala naman bilang undefeated memory champ si Ron. Napabilib niya ang lahat dahil sa nakaya niyang memoryahin ang pangalan ng 50 runner na kakikilala lang niya. Ngunit hindi ito natapos ang pagpapatunay na isa ngang superhuman si Ron. Mapagtagumpayan kaya ni Ron ang memory test na ibinigay sa kanya ng mga eksperto?
 
Hindi rin dapat palampasin ang taong kayang kontrahin ang force of gravity at isang martial artist na kayang magpatumba ng kalaban kahit hindi niya nahahawakan. Mapatunayan kaya nila ang kanilang pagiging superhuman?
 
Mapapanood ang Kap’s Amazing Stories tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Celebrity Bluff sa GMA7.