TV

Prince Stefan, nawalan ng trabaho sa showbiz matapos siyang mag-out

By Jimboy Napoles

Aminado si Prince Stefan na naapektuhan ang kanyang showbiz career nang malaman ng publiko na isa siyan gay,

InIbinahagi ng StarStruck alumnus sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga kamakailan ang kaniyang mga pinagdaanan matapos siyang aksidenteng ma-out ng isang kaibigan.

"Ayoko naman mag-out talaga, yung nag-viral na na-out ako ng isang aktres si Ms. Keanna [ Keanna Reeves] pero we're friends now," kuwento ni Prince.

Inamin din ng dating aktor na humina ang kaniyang TV projects at tuluyang nawalan ng trabaho sa showbiz simula nang mag-out siya sa publiko.

Aniya, "Maraming nagsasabi na huwag akong mag-out, narinig ko yung kuwento na kapag nag-out ka malalaos ka, at iyon 'yung nangyari sakin literally. Nawalan ako ng trabaho, ng projects.

"Totoo po 'yun, 'nung nag-out ako nawalan talaga ako ng trabaho. Siyempre bread and butter nating mga actors ang showbiz, projects, taping, so nawalan ako noon.

"Dati kumakanta ako, marami akong events, gigs, fiesta, out of the country gigs, nawalan din ako ng mga ganoon at nagkaroon ako ng financial crisis."

Dahil dito, nagkaroon pa raw ng severe depression ang aktor.

"Hindi ko alam kung ano pa ang next sa akin after ko mag-out, so nagkaroon ako ng deep depression, pang-suicidal stage pero nalampasan ko na 'yun," kuwento ng aktor.

Mahirap man ang kaniyang pinagdaanan noon, mas naging maganda naman daw ang buhay niya ngayon at nakakakatulong siya sa kapwa niya LGBT member.

Paglalahad niya, "Pero may good side din naman siya, ang daming nagme-message sa akin na sa pag-out ko at pag-share ko ng story ko, naging totoo ako sa sarili ko, hindi na ako nagsisinungaling, natulungan ko sila kumbaga naging light ako sa kanila na takot silang mag-out o hindi sila tanggap sa family nila."

"Naging LGBT community advocate ako, marami akong nagawang charity using my gay platform," dagdag niya.

Masaya raw si Prince na naging totoo na siya sa kaniyang sarili at tanggap naman daw siya ng kaniyang pamilya at mga kaibigan.

"Ang dating hunk ay barbie na.

"Masarap din ang pakiramdam kasi dati minomodulate ko yung boses ko, nagsisinungaling ako, yung interviews ko parang scripted, hindi ako 'yun.

"Nawalan ako ng tinik sa dibdib at naging totoo na ako sa sarili ko," aniya.

Sa ngayon ay nagtatrabaho na si Prince sa isang real estate company.

"Bumalik ulit ako sa showbiz tapos walang nangyari, ngayon nag-real estate ako, and I'm doing well," natutuwang sinabi ni Prince.

Panoorin ang buong video ng kwento ni Prince, DITO:

Mapapanood ang Eat Bulaga, Lunes hanggang Sabado, 12 p.m sa GMA.

Samantala, narito namanang listahan ng mga celebrity na proud member ng LGBTQIA+ community:

>