TV

Ina Raymundo, may payo sa mga magulang ngayong may pandemya

By Jimboy Napoles

Isa ang pamilya ng aktres na si Ina Raymundo sunud-sunod na nagpositibo sa COVID-19 noong kasagsagan ng January 2022 surge, pero agad naman daw silang gumaling matapos ang ilang linggong gamutan at quarantine.

Sa isang episode ng Eat Bulaga kung saan naging guest si Ina sa 'Bawal Judgemental,' ikinuwento ng aktres kung paano niya inalagaan ang kanyang pamilya nang magkasakit ang mga ito.

Kuwento niya, "Lahat kami [nagpositibo sa COVID-19], lahat ng anak kong lima pati 'yung asawa ko. Nagpapasalamat pa rin ako kay God na ako 'yung huling nagkaroon [nagpositibo sa COVID-19] so naalagaan ko silang lahat."

Regular din daw na mino-monitor ni Ina ang temperature ng kanyang mga anak. Aniya, "Lahat 'yan [temperature check] nirerecord ko, para akong nurse talaga. Whenever may sakit sila, tinitignan ko 'yung pattern [ng temperature] lahat sila two days lang nagkasakit."

May payo rin si Ina para sa mga kapwa niya magulang kung ano ang pwedeng gawin first aid kung sakaling magkaroon ng sipon ang isang miyembro ng pamilya.

"Alam mo napaka-importante talaga and very effective kahit wala pang pandemic ito na 'yung ginagawa ko tuwing may sakit ako. Mask wearer talaga ako even before the pandemic so oras na may sipon ako 'yung hindi ako makahinga sa ilong, magsusuot ako ng mask para after 10 minutes nag-humidify yung ilong mismo dahil sa breath ko, nawawala yung barado sa ilong ko," ani Ina.

Dagdag pa niya, "Kapag barado kasi 'yung ilong mo umaabot 'yun sa throat because you can't breathe and then uubuhin ka na dahil dry na dry yung throat mo."

Nagpaalala rin ang seasoned actress na dapat maging handa ang mga magulang sa oras na magkasakit ang mga anak.

Aniya, "Siyempre, bilang ina, kailangan maging handa ka, kailangan nagbabasa ka kung ano 'yung mga first aid na magagawa mo.

"Number one din, 'wag kayong magpa-panic kapag mataas ang lagnat ng anak niyo. Tiyagain mo lang sa gamot every four to six hours and gagaling din talaga ang mga bata, resilient sila."

Tumutok sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Sabado, 12 pm sa GMA at tutukan ang iba pang makabuluhang kwentuhan sa "Bawal Judgemental."

Panoorin ang highlights ng 'Bawal Judgemental', sa video na ito:

Samantala, silipin naman ang ilan pang mga celebrities na nagpositibo sa COVID-19 kasabay ng January 2022 surge sa gallery na ito.