TV

#LoveWins: Pinay transgender, ikinasal sa isang Australiano pagkatapos ng 9 na buwang magkakilala

By Jimboy Napoles

Naghatid ng kilig vibes ang kuwento ng isang Pinay transgender na si Erica Elmasri na tubong Ilagan, Isabela at kanyang asawa at Australian national na si Danny Elmasri nang maging guest sila sa segment ng Eat Bulaga na “Bawal Judgmental” tampok ang mga Pinoy na happily married sa foreigner.

Kuwento ni Erica, nagkakilala sila ni Danny sa isang dating app at matapos lang ang siyam na buwan na pagiging magkarelasyon ay agad na silang nagpakasal.

Pero may malalim daw na dahilan kung bakit agad silang ikinasal. Isa raw kasi sa mabilis na paraan upang magkaroon siya ng permanent residence sa Australia ay kung ikakasal siya sa isang Australian national.

Aniya, "Actually may story kasi 'yan, pa-expire yung visa ko, naawa siya sa akin kasi ang tagal ko na sa Australia pero wala pa akong permanent residence so he offered himself sabi niya 'I will help you on your visa.'"

"So isang way kasi dapat magpakasal kami so ayun ginawa namin agad-agad," dagdag pa niya.

Dito raw napatunayan ni Erica na mahal talaga siya ng kaniyang asawa na si Danny.

"Mahal niya talaga ako, ayaw niya akong umuwi kaya he wants to keep me for himself," ani Erica.

Sa ngayon ay may dalawang restaurant na pinapatakbo sa Australia ang mag-asawang Erica at Danny kung saan sila na rin mismo ang empleyado.

Aniya,"We have two restaurants, minsan taga-hugas ng plato, waitress ako minsan, all around."

Nang tanungin naman ng Eat Bulaga host na si Allan K si Danny, kung bakit niya pinakasalan si Erica, ito ang kanyang naging sagot: "She's nice, she's beautiful, very caring. When you find the right one, it's very easy."

Panoorin ang episode na ito ng “Bawal Judgmental” sa Eat Bulaga sa video na ito:

Tumutok sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Sabado, 12 p.m. sa GMA at tutukan ang iba pang makabuluhang kuwentuhan sa “Bawal Judgemental.”

Samantala, kilalanin naman ang ilang mga celebrities na proud members ng LGBT community sa gallery na ito: