TV

DJ Rico Panyero, may love advice sa mga gaya niyang single

By Jimboy Napoles

Isa ang celebrity DJ na si Richard Sarmiento o mas kilala bilang si Rico Panyero sa mga lalaking hindi pa nagkakaroon ng girlfriend simula pagkabata. Pero ayon kay Rico, na-e-enjoy naman daw niya ang buhay ng pagiging single. Ito ang ibinahagi niya sa isang episode ng 'Bawal Judgmental' sa Eat Bulaga.

Hindi naman napigilang itanong ng noontime show host na si Paolo Ballesteros kung saan kumukuha ng mga love advice si DJ Rico sa mga caller ng kanyang programa sa radyo gayong hindi pa niya nararanasan ang magkaroon ng karelasyon.

Ayon naman sa radio DJ, nanggagaling daw ang kanyang mga payo mula sa mga karanasan at istorya ng mga tao sa paligid niya.

Kuwento niya, "Alam mo may mga times kasi na hindi mo kailangang ma-experience para matuto ka which is mas magandang learning 'yun para sa'yo.

"Wag mong hayaan na ma-experience mo. Makinig ka sa mga taong nasa paligid mo, makinig ka sa taong naka-experience noon para alam mo kung ano yung gagawin kasi 'yung iba diyan gusto karirin e, gusto maranasan, gusto ma-heartbroken, gusto muna maranasan 'yung sakit."

May payo naman si Rico sa mga gaya niyang single na nakakaranas ng pressure dahil sa mga taong nag-aabang kung kailan sila magkaka-love life.

Aniya, "Kapag dumating ka sa point na iniisip mo nape-pressure ka sa mga tao sa paligid mo na 'Ano kailan na?' kasi may mga tao talagang ganyan e, mahilig magtanong kung bakit wala pa, alam mo 'wag mong isipin 'yung tanong nila."

Dagdag pa niya, "Masaya pa naman ako sa good night me, kain na me, ligo na me, i love me."

Panoorin ang buong kuwento ni Rico sa 'Bawal Judgmental' sa video na ito:

Abangan ang iba pang inspiring stories sa "Bawal Judgmental" sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12 p.m.; at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.

Samantala, silipin naman ang listahan ng single parents sa showbiz sa gallery na ito.